MMDA nagbabala ng 'road to forever' na trapik sa NLEx | Bandera

MMDA nagbabala ng ‘road to forever’ na trapik sa NLEx

- October 23, 2015 - 06:05 PM

NAGBABALA ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na magiging masyadong mabigat ang daloy ng trapiko sa Sabado sa  North Luzon Expressway (NLEx). Ayon sa MMDA, asahan na umano ang mala”road to forever” na trapiko na idudulot ng mega fans day ng AlDub na gagawin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. kung saan ikinumpara pa tio sa “road to forever.” “Expect [NLEx] to feel like the road to forever. Plan your trips accordingly,” sabi ng MMDA sa Twitter account nito. Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe kung sila ay pa-Norte para makaiwas sa trapik. Sa Sabado na ang “Tamang Panahon” fans day na pangungunahan ng split-screen loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza alias Yaya Dub. Sold-out ang mga tiket para sa  Ciudad de Victoria sa Bulacan, na may kapasidad na 55,000 katao. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending