Matteo: Gusto kong magtrabaho mag-isa!
TIGAS pa rin si Matteo Guidicelli sa kanyang desisyon na huwag muna silang pagsamahin ng kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo sa kahit anong proyekto.
“I wanna work alone,” ang mariing sabi ng binata nang tanungin sa presscon ng kanyang first major solo concert na “MG1” na gaganapin sa Music Museum on Nov. 28, kung ano ang magiging partisipasyon dito ni Sarah.
Ayon sa binata, gusto muna nilang ihiwalay ni Sarah ang kanilang trabaho sa personal nilang buhay para walang masyadong complications.
“I really wanna keep Sarah and I (pagdating sa work) very separate,” chika pa nito.
Dugtong pa niya, “You know, we told each other, ‘Let’s not work together, let’s keep everything very separate.’ In the industry, it’s so easy na mag-ramble na lang, na maging confusing na ang lahat. So we told each other na do your thing and I’ll do my thing.
“When we see each other, it’s nothing to do with work, it’s just real life,” aniya pa.
Umaasa naman ang dyowa ni Sarah na darating din ang panahon na maiintindihan ng fans nila ng singer-actress ang kanilang desisyon, “I hope someday people will understand and keep separate, especially with work.
“I hope someday. But, I guess, it’s hard because that’s reality. We can’t turn around from reality, so we just live with and do what we can and do our best,” sabi pa ng binata.
In-explain din ni Matteo na ang desisyon niyang huwag munang makatrabaho sa kahit anong project si Sarah ay para maiwasan na rin ang mga tsismis na ginagamit lang niya ang kanyang girlfriend para sa sa-riling kapakanan.
“First album ko pa lang ito, first concert ko pa lang ito, I wanna do it on my own. I don’t want the people think I’m just using her or I’m following her. Hindi, this is my dream kahit noong hindi pa kami,” esplika niya.
Hirit pa ng binatang aktor, “I think the smart thing to do is not do anything with her right now. She’s my girlfriend, yes. But she’s not my partner at work talaga. I wanna work alone. But she’s my inspiration at work.
“I wanna prove myself na I deserve to be here. I wanna be here. This is the path I chose. Sana magustuhan ng mga tao kasi our goal is just to make people happy, make people have a good time, and make people feel different in their hearts,” paliwanag pa nito.
Ano naman ang masasabi niya sa bashers na patuloy ang paninira sa kanya at nagsasabing ginagamit lang niya si Sarah? “The bashers online won’t affect me. I’m the last person who will get affected. I just see it and laugh at it.
“I have better things to do, you know, I have sports, my friends, and so many other things. I guess, I just take it as a creative criticism. You know, these people inspire me to be better.”
Samantala, gagawin daw ni Matteo ang lahat para mapaligaya niya ang lahat ng manonood sa kanyang “MG1” concert sa Music Museum produced by Hills&Events Concepts. Mas bongga raw ito sa “Dreamboys” concert nila noon nina Daniel Matsunaga at JC de Vera. Kailangan din daw abangan ng audience ang medley number nila ng Concert King na si Martin Nievera at ang pasabog na gagawin nila ng isa pa niyang special guest, si Morisette Amon.
Ang “MG1” ay sa musical direction ni Marvin Querido and directed by Frank Floyd Mamaril. Tickets are available sa Ticketworld o tumawag sa 891-9999. “MG1” is presented by Belo, Boardwalk, Ford at Jet7 Bistro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.