Sa abroad makapag-aasawa | Bandera

Sa abroad makapag-aasawa

Joseph Greenfield - October 22, 2015 - 02:14 PM

Sulat mula kay Sheila Marie ng Lima, Pastrana, Leyte

Dear Sir Greenfield,

Sa ngayon ay nag-aaplay ako bilang caregi-ver sa Canada, sa tulong ng ate ko na nakapag-asawa ng isang Canadian citizen. Itatanong lang kung kailan kaya ako makaka-alis? Qualified naman ako sa inaaplayan ko, kasi tapos naman ako ng college bilang guro at maraming caregiver se-minars at training na ang na-atenand ko at may experience na rin ako sa pagke-care-giver, kaya tiwala naman ako sa sarili ko na makakarating din ako ng Canada, kaya lang ang hindi ko alam ay kung kailan kaya ito mangyayari? At isa ko pa nga palang concern ko ay wala akong boyfriend sa nga-yon dahil pangarap ko ring sa Canada na manirahan. Sa palagay nyo Sir Greenfield matutupad ko kaya ang lahat ng pangarap kong ito? December 28, 1984 ang birthday ko.

Umaasa,
Sheila Marie  ng Leyte

Solusyon/Analysis:

Palmistry:
Sadyang pinagpala ka Sheila, dahil may malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung bigo kaman sa iyong propesyo bilang guro, sa pangi-ngibang bansa, kahit na caregiver lang ito, tiyak ang magaganap, matutuloy ka at sa nasabing pag-aabroad, uunlad at papalarin ka at maaari ding sa nasabing bansa doon ka na nga rin makapag-aasawa.

Cartomancy:
Ace of Diamonds, King of Clubs, at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Enero o kaya’y Pebrero may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending