Winning streak itataya ng Cignal, Philips Gold
Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4:15 p.m. Philips Gold vs RC Cola-Air Force
6:15 p.m. Foton vs Cignal
Team Standings: Cignal (3-0); Petron (3-2); Philips Gold (2-1); RC Cola-Air Force (1-1); Foton (1-1); Meralco (0-5)
MAPANATILI ang kanilang winning streak ang pagsisikapan ngayon ng Cignal at Philips Gold sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Unang sasalang ang Lady Slammers kontra sa RC Cola-Air Force sa ganap na alas-4:15 ng hapon habang ang HD Lady Spikers ang sunod na lalaro kontra Foton Tornadoes dakong alas-6:15 ng hapon.
Hindi pa natatalo ang Cignal matapos ang tatlong laro habang bumangon ang Philips Gold mula sa pagkatalo sa unang asignatura nang naipanalo ang huling dalawang laban sa ligang inorganisa ng SportsCore at handog ng Asics at Milo na suportado rin ng Mikasa, Senoh at Mueller at napapanood sa TV5.
Sa kabilang banda, ang Tornadoes at Raiders ay may magkatulad na 1-1 karta at sila ay pursigidong manalo sa larong ito para makabangon agad mula sa pagkatalo sa huling laban na parehong ipinalasap ng nagdedepensang kampeon Petron.
Limang laro ang haharapin ng isang koponan sa first round elimination at natapos na ang kampanya ng Petron at Meralco.
Ang Blaze Spikers ay mayroong 3-2 karta habang ang Power Spikers ay hindi nakatikim ng panalo tungo sa 0-5 baraha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.