Gerald hirap na hirap sa eksenang natutulog lang | Bandera

Gerald hirap na hirap sa eksenang natutulog lang

Ambet Nabus - October 21, 2015 - 02:00 AM

gerald anderson

“Hindi naman po talaga maiwasan na may magsabi ng ganyan. But more than that, yung opportunity po na makatulong at maging bahagi ng isang very good project ang inisip ko ng tanggapin ko ang movie,” ang sagot sa amin ni Gerald Anderson sa isyung naging “panggulo” na lang siya sa tambalang Enrique Gil at Lisa Soberano na bibida muli sa pelikulang “Everyday I Love You” ng Star Cinema.

May mga nagkokomento kasi lalo na ang mga netizen na kahit sa trailer pa lang ng movie ay luging-lugi na ang exposure ni Gerald lalo pa’t nakahiga lang sa hospital bed ang role niya.

Sey nitong natatawa, “Naku po, sobra kayang hirap ng role na yun. Imagine nakahiga ka lang at nag-e-emote doon na malungkot ka, minsan masaya, minsan namana natatakot. But seriously po, hindi n’yo maa-appreciate ang role ko kapag hindi ninyo mapanood ang buong movie.”

Alam naman daw niyang ang LizQuen tandem ang ibinebenta sa “Everyday I Love You”. Minsan na rin daw siyang nanggaling sa mga kagayang proyekto kaya alam niya ang vibe at feel nito.

Ang importante raw ay napatunayan na rin niya ang kanyang sarili sa sari-saring mga pelikula na nagawa niya at kahit pa nakakasama niya ang mga kapwa sikat na sikat ding artista, confident siyang napapansin at hindi dekorasyon lang ang role niya.

Showing na this Oct. 28 ang movie sa direksyon ng box-office director na si Mae Cruz-Alviar. Gusto rin naming maniwala na magiging big hit uli ang “Everyday I Love You” ng LizQuen. Kitang-kita kasi sa pagsisipag ng dalawa ang kanilang sinseridad at pagiging honest na kailangan nila ng tulong.

Medyo nag-die down na ang pangit na isyu kay Quen (airplane scandal) na mas naging fit and man-looking ngayon. Very supportive pa rin naman si Liza na very consistent sa pagiging sweet and simple.

Nagri-ready na raw sila sa mas mature na roles in the future and yes, diretsang inamin ni Liza na binibigyan niya ng malaking pag-asa ang mas seryoso na ngayong panliligaw ni Enrique sa kanya.

Pormalidad na lang kumbaga ang lahat at gaya ng pamosong linya ni Lola Nidora ng AlDub phenomenon, “Sa takdang panahon,” ay magaganap na ang pinakahihintay ng LizQuen fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending