Sigaw ng Dabarkads: Gusto naming maging bahagi ng history sa Tamang Panahon!
Tapos na ang laban! Ito na ang pinakamatindi! Ito na nga ang tamang panahon! Nagtatawagan ang mga kaibigan naming gustong makapanood ng malaking pagtatanghal ng Eat Bulaga sa darating na Sabado sa Philippine Arena.
“Nagpapabili ako sa staff ko, pero wala na palang available sa Ticketworld. Soldout na pala nu’ng last Saturday pa lang ang tickets worth 1,200, ang naiiwanan na lang, ‘yung tig-150.
“Hindi lang ang AlDub ang reason kung bakit ko gustong manood. I want to be part of history. Hindi sa lahat ng panahon, may tulad ng Eat Bulaga na gumagawa ng mga ganitong klase ng projects na para sa mga kababayan natin.
“Nu’ng una, ang mga scholars nila, then, ‘yung pagdo-donate nila ng mga classroom chairs. Tapos, heto naman ang para sa mga public school library. Napaka-worthy ng ginagawa ng Eat Bulaga, kaya gusto kong makatulong din sana sa kanila,” kuwento ng kaibigan naming si Jojo.
Kilig na kilig naman ang mga pamangkin ni Cesar Santiago, isang Vilmanian, dahil nakahabol pa sila sa tickets para sa Tamang Panahon.
“Wala na, ‘yung pang-150 na lang ang naabutan namin. May kalayuan ang lugar, pero okey na rin, masasaya pa rin ang mga pamangkin ko dahil makikita na nila nang personal sina Alden Richards at Yaya Dub.
“Grabe ang mga batang ito, kilig na kilig sila sa AlDub, naiintindihan ko naman sila dahil ganyan na ganyan din ako kay Governor Vilma,” kuwento ni Cesar.
Parang nakikita na namin ang daloy ng mga sasakyan sa NLEX (Bocaue exit) sa darating na Sabado. Siguradong maaga pa lang ay marami nang nakapila sa dambuhalang Philippine Arena ng mga kapatid natin sa INC.
Ito na kasi ang Tamang Panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.