Kailan makapag-aabroad si mister? | Bandera

Kailan makapag-aabroad si mister?

Joseph Greenfield - October 20, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Gigie ng Sitio Gaboc, Kanlaon City, Negros Oriental
Dear Sir Greenfield,

Matagal ng nagaaplay ang mister ko sa ibang bansa pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakaalis. Driver ang kanyang inaaplayan sa Dubai, at sabi sa amin ng agency for final interview na daw po siya. Ang kaso hindi naman tumatawag pa ang kanyang magiging employer almost two months na kaming naghihintay. Ano ba sa palagay nyo, na-fake na kaya kami o may pag-asa pa bang maka-alis ang mister ko patungong abroad? Kung makaka-alis pa siya, kailan naman kaya ito mangyayari? June 7, 1982 ang birthday ng mister ko at October 1, 1983 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Gigie ng Negros Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa photo copy ng palad ng iyong mister may malinaw siyang Travel Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa kanyang palad. Ibig sabihin hindi kayo dapat mainip, dahil sa takdang panahong i-nilaan ng kapalaran, patatawag din siya ng agency upang siya ay ma-final interview ng kanyang magiging employer.

Cartomancy:
Nine of Diamonds, Five of Clubs at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad si mister, tuloy-tuloy na kayong uunlad at ang pangingibang bansang nabanggit ay magaganap sa huling buwan ng taong 2015.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending