Sa wakas...Pastillas Girl napili na si Mr. Pastillas | Bandera

Sa wakas…Pastillas Girl napili na si Mr. Pastillas

Ervin Santiago - October 18, 2015 - 02:00 AM

pastillas girl

NAKAPILI na sa wakas si Pastillas Girl (Angelica Yap) ng lalaking maaari niyang maging “forever”.
Sa lahat ng mga nagtangkang makuha ang matamis na “oo” ni Angelica sa segment ng It’s Showtime na “Nasaan Si Mr. Pastillas”, si Richard Parojinog ( Chard) ang napusuan niyang maging Mr. Pastillas.

Sabi ni Angelica, nagustuhan niya ang binata dahil sa humility nito, “Kasi very humble siya, alam naman natin na may kaya si Chard but hindi niya ‘yun ginagamit as one step ahead sa kanila.

“Pero lahat sila mabait, lahat sila deserving. Hirap na hirap ako mamili. May mga nights na hindi ako makatulog, ‘Sino ba talaga?’ Pero may isa kang person na kailangan mong piliin na kasi hindi mo makukuha lahat, and I think it’s Chard,” pahayag ni Pastillas Girl sa interview ng ABS-CBN.

Bukas ba ang kanyang puso at isip kung sakaling ligawan nga siya ni Chard? “We’ll see, di ba kung ‘yung itututloy niya naman ‘yung pinapakita niya on-cam and off-cam, I think okay sa akin.”

Handa na ba siyang magmahal uli? “Oo naman ready na ako kasi di ba siguro lahat naman tayo gusto nating ma-feel na may isang taong magmamahal sa atin and ‘yung feeling mo sa’yo lang.”

Narito naman ang mensahe niya kay Mr. Pastillas, “Sana huwag kang magbago. Sana kung gaano ka-humble kita nakilala at kung ano ‘yung nagustuhan ko sa ’yo as a person, sana ganon ka pa rin kahit tumagal tayo off-cam as friends or…we’ll never know, di ba?”

Ibinalita rin ni Angelica na pagkatapos ng “Nasaan Ka Mr. Pastillas”, sila na ni Chard ang magho-host ng It’s Showtime Online, “Ayun they promised us na kami ‘yung magiging hosts kasama namin si ate Darla Sauler for the online show, ayun pa lang naman so far.”

Nang tanungin naman sa isang panayam ng ABS-CBN si Richard tungkol sa pagkakapipili sa kanya bilang Mr. Pastillas, “Napakasaya ko po na napili ako ni Angel, unexpected po kasi akala ko si Topher ‘yung mananalo.

Napakasaya ko po ngayon. Sana mas lalalim pa ‘yung (pakikipagkilala) ko sa kanya.” Balak nga ba niyang totohanin na ang panliligaw kay Angelica? “Yung mga usapan na ‘yan (ligawan) aabot rin tayo sa mga ‘yan.

Gusto ko pa sana siyang mas makilala at kung aabot man kami sa ganoong sitwasyon, siguro in the right time.” Narito naman ang message niya kay Pastillas Girl, “Maraming salamat at ako ‘yung pinili mo. Hindi ko mapapangako sa’yo lahat pero sinisigurado ko na mamahalin kita.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending