Mocha Girls balak magdemanda matapos makulong sa Malaysia
NO doubt, iba ang appeal ng Mocha Girls sa mga lalaki dahil talagang pinagkaguluhan sila sa ginanap na ATC Healthcare 10th year anniversary kamakailan sa Makati Shangri-La Hotel.
Super seksi naman kasi ang suot nila nu’ng gabing ‘yun – napakaikli ng kanilang mga (short) shorts kaya habang sumasayaw sila on stage ay walang kakurap-kurap ang mga kalalakihang nasa loob at labas ng Isabella function room ng hotel.
Isa lamang ang Mocha Girls sa endorser ng ATC (Robust Extreme na naglalaman ng natural ingredients at nagpapatinag sa mga lalaking may problema pagdating sa pakikipagtalik) na dumating sa nasabing event.
Naroon rin ang iba pang endorser ng ATC tulad nina Raffy Tulfo at Kim Chiu. Habang naghihintay ng kanilang production number ang grupo ay tsinika namin ang lider nitong si Mocha Uson tungkol sa pagkakakulong nila sa Malaysia kamakailan.
Inamin nitong talagang nagka-trauma na silang mag-show sa ibang bansa, “Bago pa kami mag-perform doon ay may naka-schedule palang raid, kaya kami ang inabutan.
Kasalanan po ng producer ‘yun kasi hindi sinabi sa amin. “Talagang matinding trauma po sa amin iyon. Though inayos din naman ng producer namin doon kaya kami napauwi na ng Pilipinas.
Nu’ng unang trato po sa amin criminal kasi may mga warden pa, pero naging okay na nu’ng malaman nilang performers lang kami roon,” paliwanag ni Mocha.
As of now ay iniisip daw ng grupo at ng manager nila kung idedemanda nila ang promoter na kumuha sa kanila sa Malaysia dahil sa kahihiyang sinapit nila.
Samantala, maski may trauma ng mangibang-bansa ay hindi pa rin nila maiwasang hindi tanggapin ang mga offer sa kanila dahil sayang naman daw ang kanilang kikitain, mag-iingat na lang daw sila sa mga kausap nilang producer-promoter sa susunod.
“Tuloy-tuloy pa rin po ang shows namin sa ibang bansa kasi may mga offer naman, sa December po, may US tour po kami,” ani Mocha.
In fairness, hindi nagkamali ang presidente ng ATC Healthcare na si Albert T. Chan na kunin ang Mocha Girls kasama ni Raffy Tulfo bilang endorser ng Robust Extreme dahil ito raw ang pinakamalakas nilang produkto sa loob ng 10 taon nila sa merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.