PBA magpupulong ngayon para sa Gilas | Bandera

PBA magpupulong ngayon para sa Gilas

Mike Lee - October 14, 2015 - 01:00 AM

gilas pilipinas

MAGPUPULONG ngayon ang pamunuan ng PBA para alamin kung ano ang puwedeng ibigay na tulong sa gagawing paghahanda ng Pilipinas para sa World Olympic Qualifying Tournament sa 2016.

Sa ganap na ika-12 ng tanghali sa tanggapan ng liga magpupulong ang mga pangunahing opisyales lalo pa’t kailangang palakasin ang national team kung nais ng bansa na magkaroon ng mas magandang tsansa na makuha ang isa sa tatlong puwesto patungo sa 2016 Rio Games.

“The PBA chairman (Robert Non) has called for a special board meeting tomorrow (today) with one topic, Gilas. We don’t want to preempt what the sentiments of the board of governors as relayed to them by their respective principals,” wika ni PBA president at CEO Chito Salud.

Naunang sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny V. Pangilinan na kailangang palakasin ang pambansang koponan na nanalo ng pilak sa katatapos na FIBA Asia Men’s Championship.

Aniya, kung hindi naman makakabuo ng mas malakas na koponan ay mas mabuting huwag nang sumali ang bansa sa Olympic Qualifiers.

Hindi nakuha ni Gilas coach Tab Baldwin ang mga manlalarong napusuan niya para sa FIBA Asia pero nagawa pa rin niyang ihatid ang Pili-pinas sa Finals kontra China.

Ang planong huwag magpadala ng koponan ay hindi kinakatigan ng FIBA at nagsabi na mapapatawan ang bansa ng kaparusahan kung itutuloy ito.

“With FIBA changing its format, we have to sit down, analyze and arrive at a consensus on what we can do. The PBA is supportive of the programs of SBP and we will try to help,” ani Salud.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending