Pinaghahanda ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang publiko sa pagdating ng bagyo na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong gabi (Miyerkules).
Tatawaging Lando ang bagyo kapag pumasok sa PAR. Kahapon ito ay nasa layong 2,270 kilometro sa silangan ng Luzon at may hangin ito na umaabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna. Umuusad ito sa bilis na 25 kph.
Ngayong umaga ang bagyo ay nasa layong 1,670 kilometro sa silangan ng Luzon at papasok sa PAR ngayong gabi.
Sa Huwebes ito ay nasa layong 1,440 kilometro sa silangan ng Luzon at sa Biyernes 770 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Baler, Aurora.
Sa Sabado ito ay 380 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Tuguegarao at 240 kilometro sa Aparri, Cagayan sa Linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.