Pilipinas gagastos ng P100-M para sa FIVB World Women’s Club Championship
MANGANGAILANGAN ang Pilipinas ng P100 milyon para madala ang FIVB World Women’s Club Championship sa Oktubre ng papasok na taon.
Ito ang inihayag ni FIVB executive board member Stav Jacobi nang pinulong ang mga volleyball stakeholders ng bansa kamakailan.
Malaking pera man ito ay naghayag ang mga dumalong volleyball officials ang kahandaan na bunuin ito para makuha ng bansa nang pinakamalaking club competition sa kababaihan.
“Our meeting turned out to be very positive,” wika ni Philippine SuperLiga (PSL) president Ramon “Tats” Suzara. “All the stakeholders involved are willing to comply with the requirements laid down by Mr. Jacobi.”
Isa ring FIVB executive board member, nakasama ni Suzara sa PSL si chairman Philip Juico habang ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) ay kinatawan ng vice president nitong si Peter Cayco at si Vincent Reyes ang humarap para sa TV5 na siyang posibleng magsaere ng mga laro.
Mga koponan mula Brazil, Serbia, Russia, Turkey, Italy at USA ang darating para sa 10 araw na torneo.
Ang Istanbul, Turkey ay nagnanais din na makuha ang hosting pero nasabi ni Jacobi na lamang ang Pilipinas dahil gusto ng FIVB na gawin ang kompetisyon sa Asia para mas lalong lumawig ang sakop sa rehiyon.
Nakita na rin ni Jacobi ang Mall of Asia Arena sa Pasay City na siyang pagdarausan ng mga laro at ang Sofitel Philippine Plaza Hotel at Solaire Resort and Casino na siyang titirhan ng mga bisita.
“He liked what he saw. I think we have a very good chance. It’s just a matter of the stakeholders working hard to make sure that everything needed is covered,” dagdag ni Suzara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.