FEU, UST wagi sa Ateneo, La Salle | Bandera

FEU, UST wagi sa Ateneo, La Salle

Mike Lee - October 12, 2015 - 01:00 AM

feu

Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
2 p.m. La Salle vs UE
4 p.m. FEU vs UP
Team Standings: UST (7-1); FEU (7-1); La Salle (4-4); Ateneo (4-4); UE (3-5); NU (3-5); UP (3-5); Adamson (1-7)

KINAILANGAN ng Far Eastern University at University of Santo Tomas na magpakita ng katatagan para makaulit ng panalo sa Ateneo de Manila University at De La Salle University sa 78th UAAP men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sina Mac Belo, Francis Tamsi, Archie Inigo at Russel Escoto ang mga kumamada sa huling yugto para makakawala sa kuko ng Eagles tungo sa ikaanim na sunod na panalo at nangungunang 7-1 karta.

Tabla ang dalawang koponan matapos ang tatlong yugto sa 47-all ngunit nagtulungan sina Belo, Inigo at Tamsi ang 7-0 run sa pagbubukas ng huling yugto para sa 54-47 bentahe.

Dinala ni Kiefer Ravena ang Blue Eagles at nakadikikt sila sa isang puntos, 57-56, ngunit ginamit ni Belo ang height advantage kay Ravena para sa isang turn-around jumper habang si Escoto ay nagsalpak ng tatlong free throws upang tuluyang ilayo na ang FEU, 62-56.

“Kailangan naming i-review ang tapes ng mga laro namin dahil marami pang dapat na gawing improvements,” wika agad ni FEU mentor Nash Racela na umukit ng 88-64 panalo sa Ateneo sa unang pagkikita.

Si Ravena ay mayroong 15 puntos habang ang rookie na si Adrian Wong ay may career-high 14 puntos na ginawa lahat sa first half. Pero hindi sapat ito para pigilan ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Ateneo tungo sa 4-4 baraha.

Nakaagapay pa rin ang Tigers sa liderato nang naisantabi ang 11 puntos kalamangan ng Green Archers tungo sa 61-59 panalo sa ikalawang laro.

Matapos ang 0-of-8 shooting sa naunang tatlong yugto ay nagbagsak si Kevin Ferrer ng 11 sa kanyang 15 puntos sa huling yugto para makaahon ang koponan mula sa 48-37 iskor sa pagbubukas ng ikatlong yugto.

Tampok na bulso ni Ferrer ay ang dalawang free throws sa huling 3.2 segundo para bigyan ang koponan ng limang puntos kalamangan, 81-76, at hindi maapektuhan ng naipasok na tres ni Jeron Teng mula sa backcourt.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanguna si Karim Abdul sa kanyang 18 puntos at sila ni Ferrer ay may tig-11 rebounds pa.
Nagsalo naman sa 43 puntos sina Ed Daquioag, Louie Vigil at Marvin Lee para magpatuloy ang balanseng pag-atake ng Tigers tungo sa 7-1 baraha.

Si Teng ay mayroong 16 puntos para sa La Salle na ininda ang 0-of-7 shooting sa 3-point line sa kaagahan ng huling yugto para makasalo pa rin ang Ateneo sa 4-4 baraha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending