OFWs sa Amsterdam pinaligaya ng mga Kapamilya stars
Dinumog ng humigit-kumulang 4,000 fans ang Kapamilya stars na sina Bea Alonzo, Paulo Avelino, Enchong Dee, Maja Salvador, at ang komedyanteng si Pooh sa “One Kapamilya Go” na ginanap kamakailan sa Amsterdam.
Naki-bonding at kinantahan nina Bea, Paulo, and Pooh ang nagtipong fans na mula sa Benelux economic region ng Europa na binubuo ng Belgium, Netherlands at Luxembourg.
Samantala, pinainit naman nina Enchong at Maja ang dance floor ng Amsterdam Arena. Bukod pa riyan, hinandugan rin ng Kapamilya network sa unang pagkakataon ang Kapamilya fans abroad ng isang special screening ng pilot week ng top-rating teleserye na Ang Probinsyano.
Ang “One Kapamilya Go!” ay programa ng ABS-CBN Regional na naglalayong ilapit ang mga ABS-CBN stars sa kanilang mga Pinoy fans na nakadestino sa abroad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.