Anunsyo ng senatorial slate ng LP binitin | Bandera

Anunsyo ng senatorial slate ng LP binitin

Leifbilly Begas - October 09, 2015 - 05:12 PM

mar roxas
Hindi natuloy ang pag-aanunsyo ng Liberal Party ng senatorial slate nito kahapon.
Sa pahayag na ipinadala ng LP, sinabi nito na sa Lunes na ilalabas ng partido ang kanilang senatorial line up.
“We believe this additional time for discernment is in the best interest of the parties and the candidates concerned,” saad ng pahayag na ipinadala ni Babes Suva, media officer ng administration presidential candidate Mar Roxas.
Ang anunsyo ng LP ay naapektuhan umano ng pag-alis ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino sa administration lineup at upang mabigyan ng panahon si Quezon City Mayor Herbert Bautista na makapag-isip.
Pero kahapon ay inanunsyo na ni Bautista na hindi siya tatakbo sa pagkasenador at tatakbo muli sa pagka-alkalde ng lungsod.
Si Tolentino ay nagpasya na umalis sa listahan ng pinagpipilian matapos na iugnay sa kanya ang ‘malaswang’ pagsasayaw ng Playgirls sa Laguna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending