Mega kay Gabby: Pagpayat ko humanda siya, baka ma-develop uli siya sa akin!
Usapang Gabby Concepcion na rin lang, ipinarating namin kay Megastar Sharon Cuneta ang pagnanasa niya na matuloy na ang kanilang reunion movie.
“Ako rin!” ang mariing sagot sa amin ni Mega when we chanced u-pon her sa studio ng Tonight With Boy Abunda. “Nagpapapayapat naman muna. Huwag naman ‘yung mukha kaming magtiya.
Ha-hahaha! Dahil hindi siya nagbago. Pagpayat ko, humanda siya. Baka ma-develop siya ulit sa akin. Ha-hahaha!” Aprub din kay Mega na isang love story or family-drama movie ang gawin nila ni Gabby.
Pero tumanggi naman siya na isama na agad si KC Concepcion sa reunion movie nila ni Gabby.
“Baka atakihin na ang fans namin. Ha-hahaha! Kami rin ni KC sana magkaroon. Meron na sila (movie, Gabby and KC), e.
Sana kami naman magkaroon ng separate,” sey pa ni Mega. Natanong din namin si Sharon tungkol sa nababalitang pagtakbo ng mister niyang si Francis Pangillinan bilang senador sa 2016.
“Actually, yeah. Kasi parang kapag sinabi mo na huwag ka nang mag-politics, para mong sinabi sa akin na huwag ka nang kumanta, huwag ka nang mag-artista. ‘Yun ang buhay niya.
Saka lalaki siya, e. Parang, he likes to serve the country and it’s a good position for him. So, ako kung saan siya, he’s still praying,” paliwanag ni Mega.
Wala namang itinanim na masama si Kiko sa publiko, “Yun! (And) I think people like good government. So, maski paano naman kahit konting kontribusyon, kahit isa lang siya, may magawa siyang mabuti.
Kasi we’ve proven na. Abonado pa kami,” ani Sharon. Tumanggi namang sumagot si Mega sa amin noong tinanong namin siya kung ieendorso ba niya si Sec. Mar Roxas bilang susunod na pangulo ng bansa.
“I cannot answer. My concern right now is my husband. I don’t know who else is running. Mahirap magsalita. Pero sa puso ko meron akong gusto.
Pero asawa ko muna ang pag-usapan natin. Ha-hahaha!” sey ng Megastar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.