JOLO REVILLA ‘kinakawawa’ ng mga kalaban sa politika | Bandera

JOLO REVILLA ‘kinakawawa’ ng mga kalaban sa politika

- October 10, 2012 - 04:19 PM

Magiging sobrang abala ang pamilya Revilla sa darating na eleksiyon.

May tatlong taong termino pa si Senador Bong Revilla bilang nanguna sa nakaraang halalan, pero reeleksiyonista naman si Congresswoman Lani Mercado, at kakandidato namang vice-governor ng Cavite si Chairman Jolo Revilla.

Tatakbo uli sa pagiging tagapamuno ng Bacoor si Mayor Strike Revilla, magkokonsehal naman si Rowena Bautista, apat pala ang kailangan nilang isulong para manalo sa darating na halalan.

Ngayon pa lang ay napakasarap nang sabihin na walang dapat ipag-alala ang mga pambato ng pamilya sa darating na eleksiyon, meron na kasi silang napatunayan, aprubado sa kanilang mga nasasakupan ang kapasidad na meron sila sa paglilingkod sa kanilang mga kababayan.

Magiging mainit lang ang sagupaan dahil ngayon pa lang ay pinupuruhan na ng kanyang mga katunggali si Jolo Revilla, pero hanggang salitaan lang naman ‘yun, alam ng mga Caviteño kung sino ang kanilang iluluklok.Nu’ng isang gabi ay sinalubong naming magkakaibigan ang selebrasyon ng kaarawan ni Kabsat Portia Ilagan, dating aktibista at manunulat na mahigit na tatlong dekada nang kasama ng pamilya Revilla, ito ang nakakaalam ng tunay na pagkatao ng mga miyembro ng nasabing angkan.

Walang masabi si Kabsat Pong, kulang ang mga salita para maitawid nito ang kanyang papuri at pasasalamat sa pamilyang hindi na nagturing sa kanya na iba, ayon sa aming kaibigan ay hinding-hindi nito makakayang iwan at talikuran ang mga taong nagmamahal at rumerespeto sa kanya hanggang ngayon.

“I really don’t know what to say, words are not enough to describe their genuine love and care, mahal na mahal ko ang pamilya Revilla mula kay daddy (tito Ramon Revilla, Sr.) hanggang sa pinakabunsong Revilla,” tanging nasabi ng aming mahal na kaibigan.

Hindi na kailangan pang idetalye ang kabutihan ng pamilya, hindi na mabibilang ang mga pruweba kung paanong tumutulong sila nang walang kapalit, tanging dikta lang ng busilak nilang puso ang basehan nila sa kanilang mga ginagawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending