‘Felix Manalo’ binigyan ng 2 Guinness World Record award
BINIGYAN ng “A” grade ng Cinema Evaluation Board ang epic filmbio na “Felix Manalo” ng Viva Films na nagkaroon nga ng higanteng premiere screening sa Philippine Arena, sa Bocaue, Bulacan nitong Linggo.
Monumental ang naturang pelikula na pinangungunahan ni Dennis Trillo dahil ang Viva at ang kanilang partner cinemas ay gumawa ng isa pang unprecedented move para sa isang local film sa pamamagitan ng advance ticket selling na nagsimula nu’ng Sept. 28.
Pinamahalaan ng multi-award-winning director na si Joel Lamangan sa pangunguna ni Dennis bilang Iglesia ni Cristo founder at first executive minister na si Ka Felix Manalo, ang napakainit at pinaka-pinag-uusapang pelikula ay kaliga o kahanay na ngayon ng foreign blockbuster behemoths gaya ng “The Avengers,” “Twilight” at “Hunger Games” series dahil dito.
Ang nasabing advance ticket selling ay available sa mahigit 300 na sinehan sa buong bansa nationwide para makaiwas ang moviegoers sa pagsisiksikan sa opening day, Oct. 7.
Ang premiere night naman na ginanap nu’ng Linggo sa 55,000-seater Philippine Arena ay dinaluhan ng mahigit 43,000 guests kabilang na ang napakaraming artistang nag-special guest appearance sa pelikula.
Ang mala-higanteng okasyon, na napanood din sa isang five-storey high (120 meters by 40 meters) screen, ay naging makasaysayan din matapos itong tumanggap ng dalawang Guinness Book of World Records para sa largest audience attendance in a film premiere at film screening.
Pagkatapos ipalabas ang mahigit dalawang oras na pelikula, agad na ibinigay nina Guinness World Records UK adjudicators Marco Frigatti at Victoria Tweedey sa Viva Films at sa Iglesia Ni Cristo ang Guinness World Record for Largest Attendance For A Film Screening at ang Guinness World Record for Largest Attendance For A Film Premiere.
Nagtagumpay ang Viva Films at INC sa attempt nitong makuha ang mga nabanggit na record dahil sa 43,624 attendees sa nasabing world premiere.
Hawak ng documentary film na “Honor Flight”, na may 28,442 attendees noong August, 2012 ang Guinness World Record for Largest Attendance For A Film Screening, habang ang Guinness World Record for Largest Attendance For A Film Premiere naman ay dating hawak ng “The Chronicles of Narnia: Prince Caspian” dahil 10,000 ang dumalo sa premiere nito sa 02 Arena, London noong June, 2008.
Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga miyembro at opisyal ng INC nang pormal na ideklara ng Guinness ang mga natatanging parangal sa premiere ng “Felix Manalo”. Ilang opisyal ng INC kasama ang Viva Films exe-cutives sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at ang nitong si Vincent, at sina Dennis at Bela Padilla ang tumanggap ng Guinness World Records Plaque of Certification.
Inamin naman ni Dennis na talagang nanginig ang buong katawan niya habang naglalakad sa red carpet dahil sa libu-libong nanood ng kanilang pelikula.
In fairness, talagang historical ang “Felix Manalo” at hindi naman binigo ng pelikula ang libu-libong nakapanood nito. Congrats Viva and INC!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.