Ateneo Blue Eagles, DLSU Green Archers magsasalpukan | Bandera

Ateneo Blue Eagles, DLSU Green Archers magsasalpukan

Mike Lee - October 04, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. UP vs Adamson
4 p.m.  La Salle vs Ateneo
Team Standings: FEU (5-1); UST (5-1); Ateneo (4-2); La Salle (3-3); NU (3-3); UP (2-4); UE (2-4); Adamson (0-6)

WAKASAN ang kampanya sa first round bitbit ang panalo sa karibal na koponan ang pag-aagawan ng Ateneo de Manila University at De La Salle University sa 78th UAAP men’s basketball ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang isa sa kinaaabangang pagtutuos sa liga ay mapapanood sa ganap na alas-4 ng hapon at tiyak na isang championship atmosphere ang makikita sa palaruan dahil dudumugin ng mga panatiko ang kanilang paboritong koponan sa hangaring itala ang galing sa kalaban.

Bago ito ay magtutuos mula ang University of the Philippines at Adamson University sa ganap na alas-11 ng umaga at tangka ng Fighting Maroons ang putulin ang apat na sunod na kabiguan matapos ang 2-0 panimula habang makaiwas na maging winless sa first round ang magpapainit sa Falcons.

May 4-2 karta ang Blue Eagles habang 3-3 ang baraha ng Green Archers at masasabing parehong hindi pulido ang mga larong naipapakita ng mga koponang nabanggit.

Sina Kiefer Ravena at Von Pessumal na nasa huling taon ng paglalaro sa liga ang mga kamador ng Blue Eagles sa ibinibigay na 18.2 at 13.3 puntos sa naunang anim na laro.

Pero kinukulang pa rin ng suporta ang dalawa dahil ang sumunod na scorer ng Blue Eagles ay sina Gwayne Capacio at Matt Nieto sa 5.0 at 4.7 puntos lamang.

Laban sa karibal na paaralan, dapat na may kuminang mula sa bench upang masabayan ang malakas na starters ng Green Archers.

Sina Jeron Teng, Thomas Torres, Prince Rivero at Jason Perkins ang mga aasahan ngunit malalaman kung ano ang itutugon ng mga rookies tulad nina Andrei Caracut at Joshua Torralba sa ganitong labanan na mapupuno ng emosyon.

Galing sa 61-77  pagkatalo ang Green Archers sa University of Santo Tomas at kailangan nilang makabangon agad para magkaroon ng magandang momentum papasok sa mahalagang second round elimination.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending