Arci Muñoz kay Ellen Adarna: Pareho kaming baliw!
MUNTIK na palang mag-quit sa pag-aartista ang dating Kapuso actress na naging Kapatid star at ngayo’y Kapamilya na si Arci Muñoz.
Inamin ng dalaga na pagkatapos ng kontrata niya sa TV5 ay naisipan niyang layasan na ang showbiz dahil feeling niya, hindi talaga para sa kanya ang pag-aartista. Pero biglang nagbago ang lahat ng makasama siya sa seryeng Pasion de Amor ng ABS-CBN.
“Oo, kasi after nu’ng contract ko with TV5, parang…nu’ng hindi ako ni-renew, sabi ko, ‘A, maybe it’s not really for me. Maybe, I’m not really meant to be an actress,” pahayag ni Arci nang mainterbyu ng press after she was launched as the 2016 Ginebra San Miguel Calendar Girl kapalit ng kaibigan niyang si Ellen Adarna.
“Naisip ko, baka maging rock star na lang talaga ako, baka yun talaga ang para sa akin. Tapos nu’n, nagpa-audition sila for Pasion de Amor para sa role ni Norma, nakuha ako.
“Pero kahit nu’ng nakuha naman ako, nabasag naman yung mukha ko. Buti na lang talaga nu’ng time na yun, si Jake (Cuenca), kailangan niyang pumunta ng New York. So, may time ako magpagaling.
So, parang one month siya nandu’n, nag-aral. The pagbalik niya, ayun na, tuluy-tuloy na ang taping namin,” paliwanag pa ng Kapamilya star.
Sey pa ng dalaga, masasabi niyang napakaswerte niya nga-yong 2015, “Yes, I think so. Sana 2016, more!” At siyempre, until now ay nasa cloud 9 pa rin si Arci dahil sa pagkakapili sa kanya bilang 2016 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel.
Kahilera na niya ang mga dating GSM calendar girls na sina Marian Rivera, Anne Curtis at Ellen Adarna. “Siyempre I’m very happy and very overwhelmed.
Napakalaking task nga ang ibinigay sa akin ng Ginebra, but I’ll make sure na we’ll just gonna have fun, and hindi sila nagkamali sa pagkuha sa akin.”
Diretsong sinabi ng dalaga na tulad ng kaibigan niyang si Ellen, enjoy din siya sa pag-inom, “Medyo. Ha-hahaah! Tsaka kami ni Ellen, magkapatid kami niyan, e. So, pareho ka-ming baliw.”
May nagtanong bigla sa kanya kung gaano ba kabaliw si Ellen? “Nakikita niyo naman, e, kayo na mag-judge. But she’s cool, hindi siya baliw na…baliw in a good way, ha.
She’s really funny, she’s cool. Yun ang pinakaimportante, easy to hang out with, sobrang astig lang.”
Kung matatandaan, nag-start ang career ni Arci noong 2005 matapos siyang sumali sa artista search ng GMA na StarStruck Season 3.
Lumipat naman siya sa TV5 noong 2010 kung saan nagbida siya sa ilang serye ng network, kabilang na rito ang launching series niyang Felina: Prinsesa ng mga Pusa.
Natapos ang kontrata niya sa TV5 noong 2014, hanggang sa mapunta na nga siya sa ABS-CBN. “Kaya nga I consider it na napakalaking blessing. Isipin n’yo naman lahat na ng istasyon napuntahan ko, di ba?
Napatunayan ko na hindi talaga overnight yung success. Kumbaga ano, e, nasa…yung journey, yun yung importante. Yung mga natutunan ko along the way.
“Sobrang dami kong natutunan lalo ngayong nasa Kapamilya na ako. In just a short period of time, ang dami nilang naituro sa akin, and I will cherish that forever,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.