Sa morning show ni Kris unang pasasabugin
NAKAKABILIB ang professionalism ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
Kahit halos wala na siyang boses, sige pa rin siya sa pagho-host ng kanyang morning show sa ABS-CBN na Kris TV.
Mabuti na nga lang at co-host pa rin ni Kris sa show si Sen. Chiz Escudero.
Can you just imagine kung si Kris pa rin ang tsumitsika all throughout the show habang paos, huh?
Hindi rin kasi makatiis si Kris na hindi tsumika kahit mawalan-walan na siya ng boses.
Last Tuesday sa Kris TV, tsikahan with the boys ang concept with their male guests na magbibigay ng comment sa ilalabas na picture sa big screen.
And one of them ay picture ni Heart Evangelista. Siyempre, ‘di pwedeng walang comment si Sen. Chiz. Doon nilinaw ni Chiz na ‘di Chiz curls ang tawag sa kanya ni Heart.
Meron silang terms of endearment pero ayaw pa ring i-reveal ng controversial politician kung ano naman ang tawag niya kay Heart.
Hintayin na lang daw sa Oct. 5 ang big revelation ni Sen. Chiz sa Kris TV regarding his lovelife na ipinangako niya kay Kris.
This week, tatapusin lang ni Kris ang pagti-taping for advanced episodes ng Kris TV at sa teleserye niya na Kailangan Ko’y Ikaw at magpapahinga muna siya during the weekend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.