Anak ni Duterte kumalas sa partido na binuo ng tatay
KUMALAS si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa Hugpong sa Tawong Lungsod, ang lokal na partido na binuo ng kanyang tatay na si Mayor Rodrigo Duterte, maraming taon na ang nakakaraan.
Sinabi ng batang Duterte na hindi na siya masaya sa partido, na nabigong kilalanin ang kanyang naging kontribusyon sa partido.
“Unhappily, the current leadership of the Hugpong does not seem to recognize nor see the effort and determination that I have invested in the service of the Hugpong, thus I feel that the current leadership is intentionally turning a blind eye to my contribution to the cause,” sabi ni Paolo sa isang sulat na ipinadala kay Hugpong secretary general lawyer Jesus Melchor Quitain.
“Although it is a great honor and privilege to be a member of the Hugpong sa Tawong Lungsod Party, I am compelled to offer my resignation as a member, effective immediately,” sabi ng nakakabatang Duterte.
Ang pagkalas ng batang Duterte ay nangyari matapos ang pahayag ng kanyang tatay na kabilang sa pinagpipilian para sa pagka-vice mayor ay ang mga councilor na sina Leo Avila, Edgar Ibuyan, Louie John Bonguyan, o Mabel Acosta.
Idinagdag ng matandang Duterte na mapipilitan siyang tumakbo muli sa pagka-mayor kapag hindi niya nakumbinsing tumakbo ang anak na si dting mayor, Sara Duterte para tumakbo sa pagka-mayor.
“I feel that my presence is unappreciated and unacknowledged and sometimes even unwelcome to the current leadership of the party. It is time to change the direction of my political career,” dagdag ni Duterte.
Dedma naman si Duterte sa pagkalas ng kanyang anak sa partido.
“Is he a member of the party?Why did he resign? What particular reason?” sabi ni Duterte. Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.