Ingat sa earphone case at cord holder
Pinag-iingat ng environmental group na EcoWaste Coalition ang mga magulang sa pagbili ng mga earphone case at cord holder na ginamitan ng toxic chemicals.
Ayon sa EcoWaste maaaring maalis ang toxic chemical sa mga ito at maihalo sa pagkain na makasasama sa kalusugan. Dapat din umano itong ilayo sa mga bata na mahilig magsubo ng kanilang mga nahahawakan.
“Curious kids may play with these attractive e-gadget accessories as if these were toys and innocently put these in their mouths, exposing them to lead, a chemical poison,” ani Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste.
Sinuri ng EcoWaste ang limang earphone cases na may zipper na nagpositibo sa lead na umaabot sa 732-1,469 parts per million.
Ang mga ito ay nabili sa sidewalk vendor sa halagang P50. Ang limang cord holder na may Disney cartoon design na nabili sa 168 Shopping Mall ay may lead naman na umaabot sa 631-2,062 ppm.
Ang lead ay nakakasira sa utak at central nervous system at iba pang body organs. Nananawagan ang EcoWaste sa mga manufacturer na huwag gumamit ng mga materyales na may lead sa ginagawa nitong produkto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.