Ang OFW at among Syrian | Bandera

Ang OFW at among Syrian

Susan K - September 25, 2015 - 03:00 AM

MASAYANG nakipagkuwentuhan sa Bantay OCW si Hannah, OFW mula sa Syria.

Hindi raw niya makakalimutan ang kanyang karanasan at mga aral na dulot ng pagtatrabaho sa bansang ginugulo ng gera.

Taong 2011 nang nagsimula ang gera sa Syria. Dahil doon, nanawagan ang pamahalaan na umuwi na ang ating mga kababayan matapos itaas ang crisis alert level 4 na nagpapatupad ng mandatory repatriation.

Hindi inakala na magtatagal ang gulo at mismong mga Syrians na employer ng ating mga OFW ay hindi rin inakala na i-yon pala ang magtutulak sa kanila upang lisanin ang bayang tinubuan.

Sa huling balita ng Department of Foreign Affairs, may karagdagan pang 25 OFW na pauwi na ng bansa galing sa Damascus at Aleppo na bubuo sa bilang na 5,722 na mga Pinoy na nakabalik na ng Pilipinas.

Buti nga at meron pang pagkakataon para sila ay makauwi, hindi katulad sa bansang Yemen na mahirap nang makapagbiyahe ang sinumang nagnanais nang umuwi.

Mahigit sa 20 pa ka-sing Pinoy sa Yemen ang nagsabing gusto na nilang umuwi. Kung matatandaan natin, nanawagan noon si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na mag-isyu ng waiver ang sinumang kababayan natin na ayaw talagang umuwi at akuin nilang personal na kagustuhan ang manatili sa Yemen.

Nais din kasi ni del Rosario na huwag malagay sa panganib ang ating mga opisyal ng embahada sa Saudi Arabia dahil ito ang nakasasakop sa mga Pilipino sa Yemen. Bukod pa sa Rapid Response Team na sadyang binuo sa agarang rescue operation para sa ating mga OFW.

Sarado na ang mga airport sa Yemen at wala nang biyahe palabas ng bansang iyon. 12 oras ang land travel patungo sa Saudi Arabia. Napakadelikado na umanong bumiyahe ngayon dahil sa mga lugar na hindi na ligtas daanan dahil sa mga pagsabog doon.

Iyan ang nakalulungkot na sitwasyon ng ating mga OFW. Hangga’t sa pagtingin ng ating mga OFW na ligtas sila, ma-nanatili sila sa bansang kinaroroonan.
Hindi sila lilikas kahit may gera na.

Pero hindi naman pwedeng kung kelan lang nila gustong umuwi ay saka sila uuwi. Tulad ngayon sa Yemen, paano na kung wala na ngang makapasok na rescue doon?

Sabi nga ni Hannah, noong una, binalewala din niya ang panawagan ng pamahalaan. Palagi niyang pinaniniwala ang sarili na okay pa umano sa Syria, hindi pa naman delikado.

Bukod pa doon, pinangakuan siya ng kanyang amo na dodoblehin ang kanyang sahod, basta huwag lang siyang uuwi. Palibhasa napamahal na rin siya sa pamilyang iyon kaya sumunod siya.

Ngunit nang naramdaman niyang natatakot na siya dahil sa wala na ngang tigil ang putukan, nagpasiya siyang umuwi na ng Pilipinas. Ganun din ang kanyang amo. Nagsabi rin itong hahanap na lang sila ng bansa sa Europa na puwedeng tirahan upang doon na lamang mabuhay.

Masayang-malungkot si Hannah. Naisip niyang mabuti pa pala ang kalagayan niya dahil may gobyerno siyang nag-aasikaso sa mga papauwing OFW. Samantalang ang among Syrian at pamilya nito, sasakay nang barko at hindi alam kung saan mapapadpad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo ni Hannah sa mga kapwa OFW, mas maigi pa ring sumunod sa direksyon at utos ng pamahalaan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending