Alden, Yaya Dub binigyan ng bagong kabuhayan ang maliliit na negosyanteng Pinoy | Bandera

Alden, Yaya Dub binigyan ng bagong kabuhayan ang maliliit na negosyanteng Pinoy

Cristy Fermin - September 25, 2015 - 03:00 AM

ALDEN RICHARDS AT YAYA DUB

ALDEN RICHARDS AT YAYA DUB

Bukas ay meron na namang bagong hinihintay ang mga tagapanood ng Eat Bulaga. Sa mga nakaraang episodes ng kalyeserye ay kapansin-pansin na tinuturuan nang magsalita si Yaya Dub ng kanyang mga lola.

Dalawang beses nang may naririnig na boses, nagtatanungan na ang lahat kung boses nga ba ‘yun ni Maine Mendoza, malapit na nga kayang magsalita ang pag-ibig ni Alden Richards?

Ibang klase ang kilig ng ating mga kababayan sa AlDub, kalat na kalat na ang virus ng tambalan, pati sa mga pribadong lugar ay sila na ang pinagpipistahan.

Kuwento ng aming kaibigan, “Nagpatawag ng PTA meeting sa school ng mga anak ko, ala una raw, walang pumayag na parents sa ibinigay na oras ng school.

“Ang gusto naming lahat, kahit pa kainitan ‘yun ng panahon, e, alas tres. Tapos na kasi ang kalyeserye by that time. Natuloy ang meeting pero ang nasunod, ang time na gusto namin,” kuwento nito.

At buhay na buhay na naman ang utak-negosyante ng ating mga kababayan dahil kung anu-ano nang produkto ang ibinebenta ngayon sa kalye na ang nakaretrato ay sina Alden at Yaya Dub.

Bukod sa naaaliw na ang mga tagasuporta ng Eat Bulaga ay kumikita pa ngayon ang mga kababayan natin, nagpapagawa sila ng mga pamaypay, payong, t-shirts, notebook at iba pang mga kagamitan na ang modelo ay ang AlDub.

‘Yang ang Pinoy! Kung sino ang sikat at mabenta, ‘yun ang kanilang sinasamantala, ‘yun ang kanilang pinagkakakitaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending