Laro Ngayon
(Changsha Social Work College Gym)
9:45 a.m. Gilas Pilipinas vs Hong Kong
SINAYANG ng Gilas Pilipinas ang double-digit na kalamangan sa ikaapat na yugto para makatikim ng masakit na pagkatalo sa bagitong Palestine, 75-73, sa pagsisimula ng 2015 FIBA Asia Championship kahapon sa Changsha, China.
Ibinuslo ni Palestine forward Sani Sakakini ang game-winning basket matapos maipasok ang three-point play may 15.8 segundo ang nalalabi sa laro tungo sa huling iskor at panalo para sa walang ranggo na Palestinians.
Ibinalik ni Andray Blatche ang kalamangan sa Gilas sa kanyang tip-in, 73-72, may isang minuto ang nalalabi bago kinumpleto ni Sani Sakakini ang pagbangon ng Palestine mula sa 11 puntos paghahabol sa huling yugto.
Pinamunuan ni Jamal Abu Shamala ang Palestine sa kinamadang 26 puntos kabilang ang back-to-back triples na nagbigay sa kanila ng kauna-unahang kalamangan matapos na maghabol sa kabuuan ng laro, 72-71, may 1:34 ang nalalabi.
Nagtala si Blatche ng double-double sa nalikom na 21 puntos at 12 rebounds habang si Terrence Romeo ay may 11 puntos para sa Gilas na naging malamya ang opensa matapos tumira ng masagwang 34% field goal shooting.
Pipiliting makabangon ngayon ng Gilas Pilipinas sa pagsagupa sa Hong Kong ngayong alas-9:30 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.