Eula Valdes sa susunod na Presidente: Dapat may kamay na bakal!
LANTARANG sinabi ng award-winning actress na si Eula Valdes na sina Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Miriam Santiago ang bet niya sa dara-ting na 2016 presidential elections. Diretso rin niyang ibinandera na lalaki pa rin ang gusto niyang maging pangulo sa susu-nod na taon.
Sa presscon ng The Ryzza Mae Show Presents Princess In The Palace na magsisimula na nga-yong araw kung saan gaganap ngang Presidente ng Pilipinas si Eula, tinanong ang aktres kung feeling ba niya ay babae naman ang dapat umupo sa Palasyo ng Malacañang, aniya, “Lalaki dapat.”
“Kung gusto mong malaman ang personal ano ko, lalaki ang gusto ko, e. Pero hindi pa sure kung tatakbo, e. Pero si-guro kung kaming dalawa ang mag-team up, puwede,” birong sagot pa ni Eula.
Pero kalaunan ay binanggit din ng aktres ang pangalan ni Duterte, “Kasi unang-una, si Miriam (Santiago) ang gusto ko, Miriam at Duterte ang gusto ko.
Since may sakit si Miriam, ako na lang, ako na lang at si Duterte!” ani Eula sabay tawa. Hirit pa ng aktres, “Gusto ko si Duterte kasi naniniwala ako sa kanya, e, alam mo kung bakit? Kasi, oo, Pinoy din ako, minsan may fault din ako na katulad ng sakit ng Pinoy na makulit, na matigas ang ulo, pasaway, di ba? Pero ang kailangan natin, kamay na bakal, naniniwala ako du’n.”
Nang tanungin kung sino ang peg niya sa pagganap bilang pangulo sa Princess In The Palace, “Wala. Wala namang peg. Kasi siguro, wala talagang matinong presidente! Ha-hahaha!” Hirit pa nito, “Hindi, yung ideal kasi, itong administrasyon ng Princess in the Palace.
E, hinihikayat namin na sana mahawa o matauhan yung mga nasa administrasyon na bumait-bait
“Masarap mamuhay nang may magandang bansa na kampante kang maglalakad.
Yung mga ibinabayad mo (sa tax) ay nakikita mo kung saan napupunta, yung mga ganun ba. Lintik na tax ‘yan, susuweldo ka, tapos yung accountant mo ite-text ka, ‘Ito ang babayaran mo for the month of ano.’ Pucha naman!” Yung matinong presidente, yung matinong pamamalakad, iyon ang peg namin,” pahayag pa ni Eula.
Para sa kanya, ang kaila-ngang hanaping qualities ng mga Pinoy sa mga kakandidatong pangulo ay, “Kailangan yung alam mo kung ano ang kailangan ng mga mamamayan mo, saan sila nahihirapan.
Kung ano ang mga nagiging problema nung mga nasa paligid mo, gawan mo ng paraan. “Umpisa pa lang, solusyunan mo na para huwag lumala, alamin mo kung ano yung mga needs nila.
Kung magagawan ng paraan, iyon ang gusto ko para maging effective kang presidente at mahalin ka ng mga tao,” dagdag pa ng aktres.
Feeling ba niya may po-wers din ang babae na mamuno ng isang bansa? “Oo! Wala talaga sa gender ‘yan, e, nasa kalooban ng tao, mapa-lalaki, mapa-babae.
Kung ano yung nasa kalooban mo, lalabas at lalabas. Wala talaga, e. Kung mabuti ang intensiyon mo, kahit pa matanda kang lalaki o batang lalaki o babae, iyon yung importante, e.”
Samantala, sa edad ngayon ni Eula, masasabing may asim pa rin siya, payag pa rin ba siyang magpa-sexy sa pelikula o mag-pose sa FHM? “At my age? Itong edad ko na ito at nakadalawa na rin ako ng FHM.
Ginawa ko yun para sa sarili ko lang para pag matanda na ako… once upon a time, alam mo yun.
“Pero ngayon, e, parang tama na, bakit pa? Kung nagawa ko na at satisfied na ako, okay na, tapos na iyon,” tugon nito.
Anyway, ngayong umaga na nga bago mag-Eat Bulaga mapapanood ang Princess In The Palace na pagbibidahan ng Ryzza Mae, at makakasama rin dito sina Aiza Seguerra, Dante Rivero, Ciara Sotto, Meil Perez, Ces Quesada, Marc Abaya, Lianne Valentin, Miggy Jimenez, Rocky Salumbides, Vince de Jesus, at Boots Anson-Roa sa direksyon ni Mike Tuviera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.