Vice: Hindi lang naman ako ang host ng Showtime! | Bandera

Vice: Hindi lang naman ako ang host ng Showtime!

Alex Brosas - September 21, 2015 - 02:00 AM

vice ganda

AWARE si Vice Ganda na there really is a big competition between It’s Showtime and Eat Bulaga pero tila hindi siya masyadong bothered.

“It’s competition, pero it’s nothing personal, ‘di ba? You have to keep up with what the competition dictates in the audience. Siyempre, alangan naman na iniwan ka nang milya-milya, kahit sino naman, kahit atleta ka, kung nagtatakbuhan na at nakita mong umaalagwa na siya, gagawa ka ng paraan kung paano ka-catch up, ‘di ba?” say niya sa interview with select entertainment press.

Say ni Vice, nawiwirduhan siya dahil siya ang bina-bash sa nangyayaring competition between the two shoes. “Hindi lang naman ako ang host ng It’s Showtime kaya weird lang.

But I’m flattered,” say niya. He denied reports that getting Pastillas Girl Angelica Jane Yap was a planned thing. Maging ang paghahanap kay Mr. Pastillas ay hindi isang scripted act.

“Walang plano kasi kahit si Jess (nag-apply bilang Mr. Pastillas) na galing pa Bacolod ay nanggaling sa Twitter. Kasi nu’ng first time lumalabas si Miss Pastillas (Angelica Jane) nasa audience siya, nagtanong siya kay Madam Bertud.

After nu’n, ang daming nagsasabi sa Twitter na, ‘Kalimutan mo na yung boyfriend mo, ako na lang, ako na lang ang mag-aalaga sa iyo. Du’n nagsi-mula nang makabasa kami ng tweet kasi nagbabasa kami du’n nang live.”

Happy si Vice na nag-narrow ang ratings difference ng It’s Showtime at Eat Bulaga. Nakakuha ng 18.2% ang Nasaan Ka Mr. Pastillas episode ng It’s Showtime (Sept. 15) laban sa 20.6% ng Eat Bulaga.

Say ni Vice, ang appeal ni Angelica Jane ay ang pagiging simple niya, “Nakaka-relate sa kanya ang mga tao kasi dumaan din siya sa pagsubok, umibig at naloko,” say ni Vice.

Speaking of Pastillas Girl, nagkaharap sila face to face ng dati niyang boyfriend sa episode ng Showtime last Saturday. Kilala lang ang guy sa pangalang Enzo na nag-apologize kay Angelica on national TV.

He told Angelica, “Gusto kong matigil yung sakit na naramdaman mo sa akin. Alam kong may mali ako eh. Sorry sa’yo, sorry sa parents mo, kasi alam ko pati sila apektado sa nangyari sa akin ngayon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot naman ng dalaga, “Napatawad ko na nga kayo, pero hindi niyo maalis sa akin yung mga nangyari. Kahit na minsan nakakapagpatawad ka, sa gabi, naalala ko pa rin minsan.”

Angelica also asked Enzo kung talagang minahal siya nito, ang sagot ng binata, “Oo, naman!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending