Baron umaming nagdroga rin: Yes, nasubukan ko na po lahat!
Sinadya naming hintayin si Baron Geisler pagkatapos ng finale presscon ng Nathaniel noong Huwebes ng gabi para kunan ng pahayag tungkol sa ginawa niyang panggugulo sa Luna J Restaurant na pag-aari ni Richard Yap kamakailan.
Siya ang gumaganap na Tagasundo/Gustavo sa Primtime Bida series ng ABS-CBN. Nasulat namin dito sa ang isyu base sa kuwento ng mga customer na naroon.
Pero ayaw nang magkomento ni Baron tungkol dito, “I don’t know kung ano ‘yung tsismis na iyon, I don’t wanna comment on that, sorry.”
“I will not comment on that, kasi unang-una everything is going well with me. Ang dami ko nang napagdaanan, right now, all I want to talk is how grateful I am sa Nathaniel, so I will not comment on that po.
Bahala na ‘yung mga taong mag-speculate, basta ako, nagtatrabaho lang po ako,” tugon ng aktor.
Samantala, isa pang nangyari kay Baron ay nang mabangga ang sinasakyan niyang SUV ng 6-wheeler truck noong Martes ng madaling araw habang papauwi na siya galing sa taping ng Nathaniel.
“Oo nga po, okay na, i-naayos naman na ng insurance ng nakabangga sa amin,” saad niya. At habang wala pang masasakyan ang aktor ay sumasabay muna siya sa service ng ABS-CBN patungo sa ta-pings ng kanilang serye na pinagbibidahan din nina Marco Masa, Gerald Anderson, Ogie Diaz, Shaina Magdayao, Kathleen Hermosa, Isabelle Daza, Ms. Coney Reyes at marami pang iba pa.
Nabanggit namin na maraming pumupuri sa papel niyang Gustavo/Tagasundo sa serye dahil ang galing-galing niyang aktor, kaya siguro maski na lagi siyang nasasangkot sa gusot ay hindi pa rin siya nawawalan ng proyekto.
“Ay salamat po, ginagawa ko lang po ang trabaho kasi mahal ko ang trabaho ko. Nagdadasal po ako na sana bigyan po ako ng pag-asa ng Dreamscape o ng ABS-CBN na muli kong makatrabaho ang mga magagaling nating artista,” sagot ng aktor.
Natanong namin si Baron kung nasubukan na niyang gumamit ng droga, diretso niyang sagot, “Yes, nasubukan ko na po lahat, but I’m cleaned now, saksi ko ang Diyos, malinis po ako sa drugs, iniwan ko na po ‘yan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.