P1M pabuya inilaan sa ulo ng lover at asawa ng pinatay na racer na si Enzo Pastor | Bandera

P1M pabuya inilaan sa ulo ng lover at asawa ng pinatay na racer na si Enzo Pastor

- September 18, 2015 - 03:34 PM

pastor
NAG-ALOK ng P1 milyong pabuya ang pamilya ng pinatay na car racing champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor sa mga makakapagbigay ng impormasyon para maaresto ang asawa ni Pastor na si Dahlia Guerrero at kanya umanong lover na si Domingo “Sandy” de Guzman.

Inihayag ng tatay ni Pastor ang patong sa mga ulo nina Guerrero at De Guzman sa isang press conference sa Hotel Rembrandt, Quezon City.

Nahaharap sina De Guzman at Guerrero sa kasong murder na walang piyansa kaugnay ng kanila umanong pagkakasangkot sa pagpatay kay Pastor noong Hunyo 12.

Sinabi ng matandang Pastor na maaari siyang makontak ng makakapagbigay ng impormasyon sa numero na 09285044931.

Idinagdag ni Pastro na maaari ring makipag-ugnayan kay National Capital Region – Criminal Investigation and Detection Group Superintendent Danilo Macerin at Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit Police Senior Inspector Rodel Marcelo.

Maaaring matawagan sina Macerin at Marcelo sa mga numerong 09178420992 at 09185315178.

Naglabas na ang Interpol ng “red notice” para kay Dahlia matapos ang ulat na nakalabas na ang biyuda ni Pastro sa ibang bansa matapos ang insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending