Tatay ni Jiro sa Japan masama ang loob, ayaw makipag-usap kay Ai Ai | Bandera

Tatay ni Jiro sa Japan masama ang loob, ayaw makipag-usap kay Ai Ai

Ervin Santiago - September 17, 2015 - 07:36 PM

AI AI DE LAS ALAS AT JIRO MANIO

AI AI DE LAS ALAS AT JIRO MANIO

“AYOKONG pinararatangan ako na ginagamit ko si Jiro (Manio) sa publicity!” Ito ang pasakalye ng Philippine Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas nang tanungin ng ilang miyembro ng entertainment press tungkol sa pagpunta niya sa Japan para makilala ang tunay na ama ng dating child star.

Si Ai Ai ang tumatayong nanay ngayon ni Jiro matapos itong lumayas sa kanilang tahanan ilang buwan na ang nakararaan at pansamantalang “nagtago” sa airport para hindi raw siya matunton ng kanyang pamilya.

Sa presscon ng bagong talkshow ng GMA na CelebriTV (kapalit ng Startalk) na magsisimula na ngayong hapon, sinabi ni Ai Ai na may magandang resulta naman daw ang pagtungo niya sa Japan kahit na hindi niya personal na nakita at nakausap ang tatay ni Jiro.

Ayon sa TV host-comedienne, “Ito, ikukuwento ko ito, hindi dahil sa nakikisali, kasi tinanong niyo ito…ayoko kasing pinaparatangan ako na ginagamit ko si Jiro sa publicity. Kasi, una sa lahat, hindi ko naman kailangan yun.

“Kasi hindi naman kailangan, di ba? Ako pa ba, in 25 years ko ba…at saka gumagastos pa ako para gawin ko ito kay Jiro,” unang chika ni Ai Ai.

Inamin ni Ai Ai na ayaw siyang kausapin ng daddy ni Jiro, “Ayaw naman niya talagang makipag-usap sa mga Pinoy kasi meron siyang sama ng loob. Iyon yatang lola, the mother nu’ng mother (ni Jiro), is nagkaroon sila ng difference.”

Hindi raw nakakarating sa dating child star ang financial assistance ng kanyang ama, “Dahil sabi niya (tatay ni Jiro), parang ang nangyari kasi, yung responsibility niya being a father, nabura. Kasi yung lahat ng ipinapadala niya kay Jiro, hindi nakakarating kay Jiro.

“Kaya du’n siya medyo sumasama ang loob. Ayaw nga niyang makipag-usap kasi masyado siyang nao-offend. And ayaw niya din yung magulo. At higit sa lahat, may sakit yung father. So, nirerespeto namin yung kalagayan nu’ng tatay,” kuwento pa ng komedyana.

Wala namang balak si Ai Ai na kumprontahin pa ang lola ni Jiro tungkol sa hindi nakakarating na pera sa bata, “Huwag na, hindi ko naman problema na yun,. Hindi ko na sakop yun.”

Pagpapatuloy ng komedyana, ang kaibigan niyang Hapon ang nakipag-usap sa tatay ni Jiro, “Yung Japanese kasi, yung friend namin, si Mr. Nakasawa, siya yung nakipag-usap kay Mr. (Yusuke) Katakura (tunay na ama ni Jiro). So, nirerespeto namin dahil si Mr. Katakura is maysakit. Kakalabas lang ng ospital.”

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Ai Ai na makumbinse ang father ni Jiro na magkita sila ng anak, “Sabi ko nga, hangga’t may buhay, may pag-asa. Gagawin ko ulit ang lahat ng makakaya ko para maging maayos, at maayos ko itong problema nu’ng dalawa.

“Bakit ko tinatiyaga ito? Kasi ipinangako ko ito kay Jiro, na gagawin ko ang lahat, na tutulungan ko siya nang walang kapalit. Si Lord na ang bahala sa akin,” aniya pa.

Plano ring sabihin ni Ai Ai ang lahat kay Jiro pero aniya, kailangang makahanap muna siya ng perfect timing, “Depende, kasi may kundisyon si Jiro. So, hindi din natin siya puwedeng biglain kung ano yung sinasabi nung father.

“Kasi hindi din naman niya alam na ganu’n, e. Or hindi ko lang din alam kung alam niya na ganu’n yung sitwasyon ng father. Hindi niya alam kasi yung lola ang nasa middle, e.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basta ang promise ko sa kanya, gagawin ko ang lahat para maging masaya yung pagkikita or maging maganda yung closure nilang mag-ama. Sa ngayon, pinapagaling muna natin yung father, respeto na rin sa kalagayan niya,” sabi pa ni Ai Ai.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending