Ex-dyowa ni Pastillas Girl takot na takot, inaatake ng tensiyon | Bandera

Ex-dyowa ni Pastillas Girl takot na takot, inaatake ng tensiyon

Jobert Sucaldito - September 18, 2015 - 03:00 AM

PASTILLAS GIRL

ANGELICA JANE YAP aka PASTILLAS GIRL

TAGA-QUEZON City lang pala itong si Angelica Jane Yap ang tinaguriang Pastillas Girl na pinasisikat ng “It’s Showtime”.

At balitang totoo raw pala talaga ang mensahe nito sa kaniyang “Pastillas story” tungkol sa break-up niya with her former boyfriend. Kung paano siya ipinagpalit sa iba and all. She related her love story sa paggawa ng pastillas na naging trending naman sa social media kahit paano.

“Kilala ko ang ex-BF nitong si Pastillas Girl. Medyo tense nga si lalaki dahil baka maiskandalo siya along the way. Huwag sana siyang mapangalanan dahil iwas na iwas siya sa ganitong iskandalo.

“Oks na raw na wala na sila ni Pastillas Girl pero sana ay huwag na siyang pangalanan para na rin sa katahimikan niya at ng kanyang pamilya. Takot na takot si lalaki nang makausap ko. Kaibigan ko kasi iyon,” a young goodlooking boy whispered to me the other day.

Ha-hahaha! Patay siya pag nangati si Pastillas Girl na tukuyin siya. Sa tabas pa lang ng dila ng babaeng ito (kung makapagmura sa video ay wagas din) ay malamang na walang ligtas ang ex-dyowa niya rito.

Chances are mapapangalanan nga niya ito and that would stir some controversy malamang.

Patay si lalaki who is a very private person pa naman. Pero sabi ko naman, kung wala namang siyang ginawang masama sa girl (maliban sa pang-iiwan niya rito), wala siyang dapat ikabahala. Normal lang naman na nagbi-break ang mga magsyota, di ba? Unless meron siyang sikretong puwedeng ibandera ng girlita, doon siya lagot.

“Kaso mukhang may alam na sikreto ang girl about him kaya ninenerbiyos si gago. Ha-hahaha!

Kungsabagay, sa video naman ni Pastillas Girl ay ikinuwento lang naman niya through her recipe sa paggawa ng pastillas kung papaano siya iniwan ng bf niya, di ba? I don’t think she will name him. Hindi na siya siguro aabot sa ganoon unless provoked.

Kaya kung ako si lalaki na friend ko, manahimik na lang siya. Huwag na siyang umeksena para di siya mapangalanan. Huwag siyang makipag-communicate with the girl at deadma lang para di siya maapektuhan. Kasi pag nakipagsagutan pa siya rito off-air, malamang na makakaladkad ang name niya.

“Ngayon pang merong network war na maaaring magamit sila para lalong mag-sizzle ang presence niya ni Pastillas Girl na poor second lang naman talaga sa AlDub. Kaya manahimik siya, ‘no! Baka gusto rin niyang mag-showbiz kaya nagpapa-invite na mapangalanan. He-hehehe!” kantiyaw ng friend niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wait and see na lang tayo. Akala ko kasi, kuwentong-barbero lang yung nilalaman ng video ni Pastillas Girl – true story pala talaga iyon. And existent pala yung guy. Juice colored. Patay kang bata ka. Sa kadaldalan ni Pastillas Girl, wait ka lang. Just be ready anytime, ok?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending