Naglalako ng balut wagi ng P5M
Leifbilly Begas - Bandera September 16, 2015 - 03:05 PM
Isang naglalako ng balut sa Maynila ang nanalo ng P5.1 milyong jackpot prize ng 6-digit⎠sa bola noong Setyembre 1.
Ang nanalo ay 65-taong gulang, may-asawa at isang anak. Siya ang nakakuha ng mga numerong 1-0-1-6-9-9 na lumabas sa nabanggit na bola.
Nakuha niya ang numero sa kaarawan ng kanyang nag-iisang apo. âŽNagkakahalaga ng P40 ang kanyang taya ng manalo. Plano niyang ipagawa ang kanyang bahay at huminto na sa paglalako ng balut.
Magtatayo siya ng sariling tindahan para may pagkakitaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending