Bea, Zanjoe pinatunayang OK na uli ang nagkalamat na relasyon
Pinatunayan ng magdyowang Bea Alonzo at Zanjoe Marudo na okay na okay na ang kanilang relasyon. Magkasamang dumating ang dalawa sa ginanap na 9th Star Magic Ball at mukha namang in love pa rin sila sa isa’t isa.
Ito’y matapos ngang mapabalita na nagkakalabuan na ang dalawa at muntik nang maghiwalay. Mismong si Bea ang umamin na may pinagdadaanan talaga sila ni Zanjoe.
Sa interview nga ng Aquino And Abunda Tonight sinabi ni Bea na totoong nagkakaproblema sila ng aktor pero inaayos na nila ito.
Sey pa nga nito nang tanungin kung ano na ang status nila ni Zanjoe, “papunta na kami sa liwanag”.
Kung matatandaan, napabalitang nagkaroon ng matinding away ang dalawa nang ma-link si Bea kay Paulo Avelino na naging leading man naman niya sa seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.