Ex-convict | Bandera

Ex-convict

Joseph Greenfield - September 12, 2015 - 03:05 PM

Sulat mula kay Nestor ng Luyag, Carmen, Cebu City
Dear Sir Greenfield,
Dati po akong nakulong pero laya na ako ngayon. Ang problema, nag-aaplay ako ng trabaho, pero ayaw naman akong tanggapin lalo na kapag nalaman nila na may record ako. Naisipan kong sumulat sa inyo, upang itanong kung sa ganitong kalagayan ng aking buhay makakatagpo pa kaya ako ng isang regular at matatag na trabaho para makabawi naman ako sa mga panahong nasa loob ako at matulungan ko ang aming pamilya. Kung makakatagpo ako ng trabaho, kailan at saan kaya, sabik na kasi akong kumita ng sa-rili kong pera at mai-intrega sa aking mga magulang. Sa ngayon ay wala po akong girlfriend at gusto ko ring makapag-asawa, kailan kaya ako magkaka-girfriend at makapag-aasawa? June 4, 1984 ang birthday ko.
Umaasa,
Nestor ng Carmen, Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Kapansin-pansin ang paglinaw ng Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1 at 2.) sa gitnang bahagi ng iyong palad. Ito ay nagpapahiwatid na hindi ka dapat mawalan ng pag-asawa, dahil ang guhit ng i-yong palad ay nagsasabing pagtuntong mo ng edad 32 sa susunod na taong 2016, babalik na uli sa pagigng normal at produktibo ang iyong buhay sa aspetong pananalapi at pakikipag-relasyon.

Cartomancy:

Nine of Clubs, Queen of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing hindi ka lang magkakaroon ng regular na trabaho sa susunod na taon sa halip maaari ka pang maka-girlfriend, hanggang sa tuluyan magkaroon ng isang masaya at panng habang buhay na pamilya hatid ng isang babaing medyo kayumanggi ang kulay ng balat na mahaba ang buhok.

Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending