Kalokahan ni Melai mabentang-mabenta sa YFSF 2 | Bandera

Kalokahan ni Melai mabentang-mabenta sa YFSF 2

Jobert Sucaldito - September 12, 2015 - 02:00 AM

melai contiveros

YEHEY! The long wait is over!

Magsisimula na ang airing ng season 2 ng Your Face Sounds Familiar sa ABS-CBN ngayong gabi. They will occupy the timeslot ng katatapos lamang na The Voice Kids and for sure, marami na ang excited na mapanood ang performances ng walong official na kalahok sa reality talent show na ito.

Siyempre, nandiyan pa rin ang tatlong mahuhusay na members ng jury na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Jed Madela and Ms. Sharon Cuneta. The eight official contestants na mag-i-impersonate ng kanilang mga fave music icons ay sina Michael Pangilinan, Kean Cipriano, Eric Nicolas and Sam Concepcion for the boys and KZ Tandingan, Cacai Bautista, Denise Laurel and Myrtle Sarossa for the girls.

Ang tanong ngayon, sino kaya sa walong ito ang makakapasok sa Top 4 later in the season? Well, it’s too early to tell. Kasi nga, every week ay iba-iba ang ipapakitang performances ng bawat celebrity contender – short of saying that maybe bad for this week pero malay mo babawi the weeks after.

“Nu’ng una kinabahan ako. Kasi nga first time kong mag-impersonate ng other artist. Hindi ko na inisip na contest ito, same with my other co-artists.

We just have fun, real fun. In fact, since magkakaibigan naman kaming lahat, we help each other. Alalayan. “Some wear prosthetics while some ay hindi na kinakailangang lagyan dahil hawig naman sila sa napili nilang icons.

Masaya sobra ang palabas na ito, nakakapagod in a way pero sulit naman dahil sobrang saya namin,” sabi ng anak-anakan nating si Michael Pangilinan who is tagged as Harana Prince ng YFSF.

I’ve watched the first two tapings ng show and I felt so good. I am not lang in liberty to divulge kung ano ang na-ging mga kaganapan sa contest proper pero yung mapanood mo silang walo in their best performances outside of their real persons, ang ganda panoorin.

Napakasaya! Hindi mo na iisiping manalo ang manok mo – sa end part lang naman ng every episode nagkakaalaman kung sino ang nasa top and kung sino ang nasa bottom eh.

Pero mind you, they are all soooo good. Wala kang i-tulak-kabigin. Walang pa-star. Aliw to the max. Ha-hahaha! “We bond very well. Talagang malaking challenge ito sa bawat isa sa amin.

Tulad ko, dati lang akong jester (nagpa-patawa before the show sa audience para hindi ma-bore) ng Your Face last season. Ngayon ay nakapasa ako sa audition and to be pitted against these named singers/performers, kinakabahan din ako siyempre.

“Pero ang babait nila sa akin, ako ang pinakakuya nila sa grupo kaya behave sila. Ha-hahaha! Di namin iniisip ang kompetisyon pero siyempre iba pa rin ang gagalingan mo ang performance mo at mag-top ka.

Dati na akong gumagaya sa ibang arists pero sa sing-along bars lang na nilalabasan ko. Pero on TV, yung ganito? Iba pala ang feeling.

“Para sa akin, aside from myself ha – ang pinaka-threat sa akin, I mean, yung dalawang sa tingin ko ay maglalaban in the end ay sina Sam Concepcion and Michael Pangilinan. Iba ang dating nila kasi.

Siyempre, nangangarap din akong makasama sa Top 4. Sana ay maitawid namin nang maayos ang bawat performance. Doon kami nakatutok sa mga oras na ito. Tsaka na lang namin iisipin na contest pala ito pag malapit na ang finals. Ha-hahaha!” ani Eric “Funnyman” Nicolas na sobrang husay mag-perform.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Grabe rin ang husay nina Billy Crawford at Melai Cantiveros as hosts. Billy is given namang napakahusay na host ever since, di ba? Pero what surprised us was Melai’s innate versatility and humor. Sumasakit ang tiyan namin sa katatawa sa mga antics niya.

Basta manood kayo star-ting tonight, every Saturday and Sunday ito. Good luck na lang sa kanilang walo. Basta ang importante rito ay pinaghahandaan nilang walo ang bawat salang nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending