Yaya Dub pang-best actress na ang akting
HINDI pa rin natinag sa pagiging number one trending topic kahapon sa Twitter at iba pang social media ang kalyeserye ng Eat Bulaga na pinagbibidahan nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay.
Sa pagpapatuloy ng kuwento nito, ipinakitang nakakulong si Yaya Dub sa isang madilim na lugar na tila bodega kung saan binigyan siya ng isang plato na may isang pirasong pritong isda at kanin.
Takot na takot at iyak nang iyak si Yaya Dub habang pinipilit ang sarili na kumain. At habang nakakulong ang dalaga ay nananatili pa rin si Alden sa lugar kung saan una silang nagkita matapos silang maglaban sa “Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More”.
Nagsulat ito sa pader na humarang sa kanila ni Yaya Dub noong Sabado at nagsabing miss na miss na niya ito at sana raw ay siya na lang ang nakidnap at hindi na ang babaeng kanyang minamahal.
Nagpakalat naman ng mga poster si Lola Nidora (Wally Bayola) kung saan nakalagay ang pagkawala ni Yaya Dub. Umaasa siya na makababalik pa rin ng ligtas ang dalaga.
Kasabay nito, may tumawag na naman kay Lola Nidora na ayaw namang magsalita, tawa lang daw ito nang tawa.
Nang ipakita muli si Yaya Dub, nagsulat din ito sa pader kung saan ipinahatid niya kay Lola Nidora ang kanyang paghingi ng tawad sa ginawa nila ni Alden.
Humingi rin ito ng saklolo kay Alden habang hinang-hinang napaupo muli sa kanyang kinasasadlakang madilim na lugar.
Sa huling yugto ng kalyeserye kahapon, muling tumawag ang mahiwagang boses kay Lola Nidora at si-nabing pakakawalan na nila si Yaya Dub, pero may kundi-syon. Kung ano ito, yan ang kailangan nating abangan lahat ngayong hapon. Ha-hahaha! Kaloka, di ba?
Talagang napapanatili ng Eat Bulaga ang pagkaadik ng milyun-milyong Pinoy sa tambalang AlDub at sa kontrabidang si Lola Nidora, idagdag pa ang mga kadramahan ng napakaharot na si Tinidora (Jose Manalo).
Samantala, puring-puri naman ng netizens at ng loyal viewers ng Eat Bulaga ang akting ni Maine sa nasabing kalyeserye. Bukod sa pagiging Dubsmash Queen at maga-ling na drummer, may ibubuga rin daw pala ito sa akting.
Ibang-iba ang ipinakikita ngayon ni Maine bilang isang kidnap victim kesa sa mga nakaraang episode ng kalyeserye. Kinakarir daw talaga ng dalaga ang kanyang mga dramatic scenes. Sinimulan nga niya ito noong biglang humarang ang plywood na pader nang magkita na sila ni Alden.
Talagang iyak kung iyak si Yaya Dub. At kahapon nga, emote na emote siya bilang bihag ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Komento nga ng isang avid fan nina Alden at Yaya Dub, talbog pa ni Maine ang mga youngstars sa tabi-tabi na ang tagal-tagal nang nag-aartista pero bobo pa ring umarte.
Ha-hahaha! Tama naman!Anyway, buong mundo na ang kinikilig at nai-inspire sa kuwento ng kalyeserye ng Eat Bulaga.
Kaya habang tumatagal ay mas lalong naaatat ang mga manonood sa mu-ling pagkikita ng AlDub at kung meron pa nga silang “forever”.
Speaking of Lola Nidora, ngayong Huwebes, aarangkada rin sa Motorcycle Diaries ang pinakasikat na lola ngayon sa buong Pilipinas na isa rin palang certified rider!
Nakilala si Lola bilang kontrabidang humahadlang sa pagkikita ng pinaka-kinakikiligang loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub na binansagang #Aldub.
At para subukin ang damdamin ni Alden para kay Yaya Dub, minsang humarurot si Lola Nidora sakay ng motorsiklo para personal na hamunin ang binata! Sa likod ng kamera, kilalanin ang dabarkads host na gumaganap bilang Lola Nidora na si Wally Bayola.
Hindi alam ng karamihan na si Wally ay astig na motorcycle rider talaga. Makikiangkas din sa MD episode ang Kapuso actress at itinanghal na isa sa sexiest women sa bansa na si Max Collins.
Hindi na mapipigilan ang pagsikat ni Max bilang isa sa Bubble Shakers ng Bubble Gang at ang leading lady nga-yon sa pinakabagong comedy series ng GMA na Juan Tamad.
Uubra kaya ang kanyang charm sa pag-angkas sa motor ni Jay Taruc at paglalako ng tinapa?
Tutok na ngayong Huwebes, 10 p.m. sa 2015 New York Festivals World Bronze Medalist na Motorcycle Diaries: Live the Ride ng GMA News TV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.