Singil sa kuryente bumaba ng 57 sentimo
Leifbilly Begas - Bandera September 07, 2015 - 03:20 PM
Muling bumaba ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company ngayong
buwan, ang ikalimang sunod na buwan ngayong taon.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, spokesman ng Meralco, naitala ngayong buwan ang
pinakamababang generation charge sa loob ng mahigit limang taon.
Bumaba ng 42 sentimos ang generation charge, at apat na sentimos sa
transmission charge, P0.05 sa buwis na ipinapataw rito at P0.06 sa iba pang
bayarin.
Kasama sa buwis na binabayaran ng publiko ang value added tax, universal
charge at local franchise tax. Ang iba pang bayarin ay ang system loss
charge, subsidies, at feed-in-tariff allowance.
Ang mga kumokonsumo ng 200 kilo Watt hour kada buwan ay mababawasan ng
P113.46 sa kanilang bayarin, P170.19 naman sa gumagamit ng 300 kWh, P226.92
sa 400 kWh at P283.65 sa 500 kWh.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending