Sa wakas: Aldub nagkita na, pero hinarangan ni Lola Nidora Bandera

Sa wakas: Aldub nagkita na, pero hinarangan ni Lola Nidora

Ervin Santiago |September 05,2015
share this

Sa wakas: Aldub nagkita na, pero hinarangan ni Lola Nidora

Ervin Santiago | September 05,2015 - 05:40 PM

alden richards

SA kauna-unahang pagkakataon ay nagkita na nang personal at malapitan sina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay. Nangyari ito sa pagpapatuloy ng kalyeserye ng Eat Bulaga kahapon.

Naglaban kahapon sina Alden at Yaya Dub para sa wildcard edition ng “Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More”, parehong pasabog ang inihandang production number ng dalawa na talaga namang pinalakpakan nang todo ng milyun-milyon nilang fans.

Pero bago pa man nagsimula ang laban, pinuntahan muna ni Lola Nidora (Wally Bayola) si Alden sa studio at dito nga nangako ang binata na hindi sila magkikita ni Yaya Dub kahit na anong mangayari.

Pero pagkatapos ng kanilang showdown, agad na naghanapan sina Alden at Yaya Dub sa studio at matapos ang ilang sandali ay nagkita nga ang dalawa, tuwang-tuwa siyempre ang magka-loveteam, pero nang sila’y maglalapit na, bigla silang hinarangan ng dingding na kagagawan pala ni Lola Nidora.

Galit na galit ito dahil sa hindi pagtupad ng AlDub sa kanilang pangako na hindi muna nila ipagpilitan ang kanilang pagkikita. Sinira raw ng mga ito ang kanyang tiwala.

Habang nanggagalaiti sa galit ang matanda ay iyak naman nang iyak sina Alden at Yaya Dub, hinayang na hinayang sila sa pagkakataon. Ngunit ilang sandali lang ay biglang may kumidnap kay Yaya Dub na mga nakamaskarang lalaki. Hinabol ito nina Lol Nidora at ni Alden pero hindi na nila inabutan.

Sinisi naman ng mga manonood ang mga Rogelio ni Lola Nidora dahil napabayaan nila si Yaya Dub kaka-selfie kina Joey de Leon at Allan K. Ha-hahaha! Kung ano ang mangyayari kay Yaya Dub yan ang dapat nyong tutukan sa pagpapatuloy ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Samantala, winasak na naman ng AlDub ang record sa Twitter matapos makapagtala ng mahigit 3.89 million tweets (past 3 p.m.) ang ALDUBBATTLEForACause.

Nabura na nito ang huling record ng AlDub na 3.6 million tweets para sa #ALDUBMaidenHeaven noong Aug. 29.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending