Gilas Pilipinas di umubra sa Iran | Bandera

Gilas Pilipinas di umubra sa Iran

Melvin Sarangay - September 04, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Xinchuang Gymnasium)
1 p.m. Gilas Pilipinas vs Wellington Saints
3 p.m. Japan vs South Korea
5 p.m. USA Select vs Chinese Taipei B
7 p.m. Taipei A vs Iran

NAGBALIK mula sa isang araw na pahinga si 7-foot-2 center Hamed Haddadi para tulungan ang Iran na biguin ang Gilas Pilipinas, 74-65, sa 37th William Jones Cup sa Xinchuang Gymnasium sa Taipei, Taiwan kahapon.

Si Haddadi, na hindi pinaglaro laban sa USA Select-Overtake noong isang araw, ay nagtala ng game highs na 22 puntos at 15 rebounds para pamunuan ang mga Iranians sa pagwawagi laban sa mga Pinoy cagers sa duwelo ng mahigpit na magkaribal sa FIBA Asia Championship.

Bunga ng panalo, napalakas ng Iran ang tsansa nitong masungkit ang korona ng Jones Cup sa 5-1 karta habang nalaglag ang Pilipinas sa 3-2 kartada.

Binalewala naman ng mga coaches ng dalawang koponan ang resulta ng laro kung saan sinabi nila na ang tunay na labanan ay mangyayari sa Changsha, China ngayong buwan.

Parehong sinabi nina Iranian coach Dirk Bauermann at Gilas mentor Tab Baldwin na ang kinalabasan ng laro ay hindi puwedeng gawing basehan sa muling paghaharap nila sa FIBA Asia Championship dahil mas magiging mahusay ang dalawang koponan pagdating sa Changsha.

Binanggit ni Bauermann ang pagkawala ni Andray Blatche sa Gilas lineup habang sinabi ni Baldwin na magiging problema nila si Samad Bahrami sa Changsha.

Si Bahrami, na kinokonsidera bilang  pinakamahusay na all-around player sa Asya, ay hindi nakapaglaro rito dahil nagpapagaling pa ito sa kanyang injury.

Subalit nagawa namang buhatin nina Haddadi, Hamed Afagh, Mohammad Jamshidi, Farrid Aslani at Mahdi Kamrani ang Iran sa mahalagang panalo kontra Gilas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending