Ika-10 panalo nakubra ng San Beda Red Lions | Bandera

Ika-10 panalo nakubra ng San Beda Red Lions

Mike Lee - September 04, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
12 n.n. Letran vs Lyceum
2 p.m. EAC vs St. Benilde
4 p.m. Perpetual Help vs Arellano
Team Standings: San Beda (10-2); Letran (9-2); Perpetual Help (8-3); Arellano (7-4); JRU (6-5); Mapua (6-5); Lyceum (3-8); San Sebastian (3-9); St. Benilde (2-9); EAC (2-9)

KINANA ni Arthur dela Cruz ang pangalawa niyang triple-double habang nanalasa sa huling yugto si Ola Adeogun para tulungan ang San Beda College sa 83-75 panalo sa Jose Rizal University sa 91st NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 26 puntos, 15 rebounds at 10 assists si Dela Cruz at sa first half siya pumuntos nang husto sa ibinagsak na 19.

Isang puntos lamang ang kanyang ginawa sa huling yugto pero hinanap niya si Adeogun na naghatid ng 11 puntos sa pamatay na 15-2 palitan upang maisantabi ang pag-agaw ng Heavy Bombers ng kalamangan, 69-67.

Tumapos si Adeogun bitbit ang 23 puntos, 20 sa second half, at may 12 boards habang nakita na rin ang pagbabalik matapos ang dalawang buwang pamamahinga ni Baser Amer para pagningningin ang ika-10 panalo matapos ang 12 laro ng Red Lions.

Bumaba ang JRU sa 6-5 karta at hindi nila naipagpatuloy ang naunang magandang laban na ibinigay sa five-time defending champion San Beda tungo sa 0-2 karta sa kanilang head-to-head matchup.

Matapos mabokya sa first half, si Heavy Bombers guard Bernabe Teodoro ay nag-init sa ikatlong yugto at kaagahan ng huling yugto upang tumapos pa taglay ang 16 puntos.

Dalawang triples at siyam na sunod na puntos ang kinamada ni Teodoro sa pagbubukas ng fourth period para lumamang pa ng dalawa, 69-67, sa huling pitong minuto ng labanan.

Sa puntong ito nagsimulang magdomina si Adeogun para manatiling walang talo matapos ang tatlong laro sa second round.

Ipinagdiwang ng host Mapua ang pagbabalik ni Josan Nimes sa pamamagitan ng 87-78 tagumpay sa San Sebastian sa unang laro.

Lumiban sa huling tatlong laro dahil sa hamstring injury, si Nimes ay naghatid ng 18 puntos at walo rito ay ginawa niya sa huling yugto para hindi pabangunin ang Stags.

Ikaanim na panalo sa 11 laro ito ng Cardinals upang pantayan ang kabuuang panalo na nakuha ni Mapua coach Fortunato Co sa naunang dalawang season bukod pa sa pagpapanatiling buhay sa hangaring makapasok sa Final Four.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Stags para lumabo na ang tsansang umabante sa 3-9 baraha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending