Politiko abala sa pagsipat ng bulsa ng mga negosyante | Bandera

Politiko abala sa pagsipat ng bulsa ng mga negosyante

Den Macaranas - September 04, 2015 - 03:00 AM

HABANG busy ang lahat ng mga may ambisyong tumakbo sa mas mataas na pwesto sa 2016 sa pag-iikot sa mga lalawigan at matataong mga lugar ay iba naman ang inatupag ng ating subject sa araw na ito.

Imbes na mga boto ng mga botante ang kanyang targetin ay bulsa ng mga negosyante ang kanyang sinisipat.

Ayon sa ating Cricket, busy ang mambabatas na ito sa pakikipag-usap sa ilang mga negosyante at business leaders at kung anu-anong mga pangako ang kanyang sinasabi para lamang ma-impress ang mga ito sa kanyang mga plano sa 2016.

Pero dahil mahina ang kanyang charisma at hindi rin naman kagandahan ang kanyang political records bukod pa sa magaspang na pag-uugali kaya hirap siyang ibenta ang sarili sa mga dapat ay susuporta sa kanya financially.

Yan din ang dahilan kaya ayaw umikot ni Sir sa ibat-ibang mga lugar dahil alam niyang kakapusin ang kanyang pondo kapag naglunsad siya ng political sorties nang ganito kaaga.

Ang natitirang option na lamang ng mambabatas na ito ay gamitin ang pondo ng kanyang opisina para manggipit ng ilang negosyante gamit ang makapangyarihang committee na kanyang kinabibilangan.

Ilang beses na niyang ginamit ang ganitong taktika kaya siya pinagsabihan noon ng kanyang mga political handlers dahil wrong moves ang ganung diskarte lalo’t target niya ang mas mataas na pwesto sa 2016.

May ilang nagmamalasakit sa kanya na mga kaibigan na kumuha pa ng serbisyo ng isang PR firm para ipakete ang kanyang public image pero wa-epek pa rin dahil hindi marunong sumunod sa intructions si Sir.

Ilan sa ipinababago sa kanyang image ay ang kanyang haircut na pang-matanda at tinuruan din siyang ngumiti lalo na sa harap ng mga TV cameras pero talagang hirap si Bossing na baguhin ang kanyang nakasanayan.

Well, tingnan na lang natin kung saan dadalhin ang mambabatas na ito ng kanyang ambis-yon para sa mas mataas na pwesto sa 2016.

Ang pulitiko na imbes na boto at pera ang tinatarget para sa gagawin niyang pagtakbo sa 2016 ay si Mr. A….as in Ayaw ngumiti.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending