Kaya umanong patunayan ni Makati Rep. Abigail Binay na tama ang pagkakagamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund na mas kilala bilang pork barrel fund.
Ito ang iginiit ni Binay sa isang statement matapos na sampahan siya ng reklamo sa Ombudsman ni Atty. Renato Bondal kahapon.
“Dati ko nang sinabi na ang aking PDAF bago siya idineklara na unconstitutional ng Korte Suprema ay ginamit ko ayon sa proseso at hindi ghost projects. Suportado ng mga dokumento, mga litrato at akwal na beneficiaries,” ani Binay.
Sinabi ng lady solon na hindi na niya ikinagulat ang pagsasampa ng reklamo pero nagtataka umano siya kung bakit si Bondal ang naghain ng reklamo gayung si Sen. Antonio Trillanes ang nagsabi noong nakaraang linggo na siya ang magsasampa nito kahapon.
“Hindi ba’t ito’y matibay na patunay ng kontsabahan ng mga nagaakusa at nandirinig ng mga akusasyon sa Senado laban sa aking tatay at pamilya na batay lamang sa hula at powerpoint presentation?”
Si Trillanes ay nangunguna sa mga imbestigasyon ng Senado laban sa mga Binay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.