Coco Martin: Pangarap ko ring maging Panday tulad ni Fpj!
Kung mabibiyan siya ng pagkakataon, gusto ring gawan ng remake ni Coco Martin ang classic movie ni Fernando Poe, Jr. na “Ang Panday” na ilang beses na ring ni-revive sa TV at pelikula.
Si Coco ang napili ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na magbida sa TV version ng Ang Probinsiyano na pinasikat din noon ni FPJ at ayon sa aktor, pangarap din niya ang gumanap na Panday.
“Siyempre lahat naman po siguro ng mga artistang lalaki ay gusto nilang i-remake ang Panday,” aniya.
“Isa po ‘yon sa mga dream roles ng mga artista… isa ‘yon sa tumatak [sa mga tao]… Para sa akin, kapag sinabi mong Panday, ‘yun ang tatak ng superhero ng Pilipino.
Kung mayroon po silang Superman, tayo po ay may Panday,” dagdag ng Teleserye King. Bukod dito, ang iba pang gusto i-remake ni Coco ay ang mga FPJ movies na”Asedillo” at “Durugin si Totoy Bato”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.