April Boy nag-iiyak: Si Willie ang unang tumulong sa operasyon ko! | Bandera

April Boy nag-iiyak: Si Willie ang unang tumulong sa operasyon ko!

Cristy Fermin - August 30, 2015 - 02:00 AM

april boy

Isang tribute para sa Jukebox King na si April “Boy” Regino ang tinatrabaho na ngayon ng staff ng Wowowin. Nu’ng minsang maging guest namin sa radyo ang Idol Ng Bayan ay tiyempo namang nanonood pala si Willie Revillame.

Nasundan niya ang kuwento ng pagkakasakit ng singer-composer, binanggit pa nga siya ni ABR bilang pinakaunang artistang tumulong sa pagpapaopera ng mata nito, nalungkot si Willie dahil bulag na ang mga mata ni April Boy.

Wala nang bisyon ang kaliwa nitong mata, bahagya na lang na nakakabanaag ang kanan, hindi ‘yun agad maoperahan dahil kailangan pang palakasin ang singer na napakaraming Pinoy ang pinasaya sa pamamagitan ng kanyang mga awitin.

“Napakalaki ng pangalan ni April Boy sa mundo ng music, marami siyang pinasayang kababayan natin through his songs. It’s about time na mabigyan na siya ng tribute,” tanging nasabi ni Willie.

Ngayon nga ay naghahanda na ang kanyang staff para sa tribute na gagawin ng Wowowin para sa singer-composer, nakausap na nila ang mga singers na kaibigan ni ABR, ang mga ito ang kakanta ng kanyang mga piyesa.

Iyak nang iyak si April Boy nang malaman nito ang plano ni Willie, pati ang kanyang misis na si Madel ay iyak din nang iyak, ibang klase raw talagang magpahalaga si Willie Revillame.

“Nu’ng manghingi po ako ng tulong kay Kuya Willie, nagpadala siya nang walang tanung-tanong. Salamat po sa kanya, isa po siyang tunay na kaibigan,” sabi ni April “Boy” Regino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending