Kalat na: Yaya Dub tinanggihan ang alok ng Ginebra at Team Pacquiao | Bandera

Kalat na: Yaya Dub tinanggihan ang alok ng Ginebra at Team Pacquiao

Ervin Santiago - August 30, 2015 - 02:00 AM

yaya dub

Tila hindi nagustuhan ng GMA 7 ang naging tugon ng Skycable na malisyoso at walang basehan ang reklamo ng Kapuso network sa National Telecommunications Commission tungkol sa pagkasira ng signal ng ilang subscribers kapag umeere na ang Kalyeserye ng Eat Bulaga na pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub.

Ayon sa ikalawang official statement ng GMA ang reklamong inihain ng network sa NTC ay mismong mga hinaing ng SkyCable suscribers, tungkol sa diumano’y kawalan ng channel signal ng GMA mula July 19 hanggang August 21.

Narito ang kabuuan ng bagong pahayag ng GMA hinggil sa naging sagot ng SkyCable sa kanilang reklamo: “SkyCable issued a press statement calling the complaint, which GMA Network filed with the NTC regarding the poor cable signal during the airing of the noontime show Eat Bulaga, particularly during the airing of its ’Aldub kalye-serye segment’, as malicious and without basis.

“In reply, GMA Network wishes to point out that: 1. GMA’s complaint with the NTC is based on the numerous complaints GMA has received from its viewers. “2.

Instead of merely saying that GMA’s complaint is malicious and without basis, SkyCable would do well to refute the specific complaints of GMA’s viewers submitted to the NTC, where the case is now pending.”

Sa unang sagot ng SkyCable sa nasabing reklamo, “isolated” case lang ang “service interruptions” na nararanasan ng kanilang subscribers.

Ayon sa mga viewers ng Eat Bulaga baka raw may nananabotahe sa noontime show dahil nga napakalakas nito ngayon sa mga manonood, lalo na kapag simula na ang kalyeserye ng AlDub.

Samantala, gaano katotoo ang chika na parehong tinanggihan ng kampo ni Yaya Dub ang alok ng Team Pacquiao at Ginebra na maging muse sa 41st Season ng PBA sa October 18.

Wala raw tinanggap na offer si Maine para sa anumang team sa PBA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending