Street vendor di masyadong happy sa rally ng INC
KUNG meron umanong magandang idinulot ang rally ng Iglesia Ni Cristo ay ito ay sa mga street vendor.
Ayon kay Judy Pelaez, isang snack vendor ang daling nagtungo sa Shaw Blvd matapos malaman na lumusob dito ang mga miyembro ng ng INC mula sa rally nila sa harap ng Department of Justice.
Gayunman, hindi rin malaki ang kita na idinulot ng rally na nagsimula Biyernes ng gabi. “Nagpunta kami talaga dito nang malaman namin na pupunta sila,” ayon kay Pelaez, nanay ng siyam.
“Kagabi may pa-Jollibee pa. May baon ata sila,” dagdag nito, kaya kaunti lang din ang bumili sa gaya niya. Alas 11 ng umaga ng Sabado, tinatayang nasa 700 na lamang ang natitirang nagrarally sa Shaw-MRT station.
Nasa 15,000 katao ang unang naitala ng pulisya na nasa Shaw Blvd Biyernes ng gabi. Gayunman, hindi lahat ng mga naroon ay mga miyembro ng INC.
“Kagabi may mga taga-Pampanga pa daw eh. Sabi nila ngayon, babalik yung mga kasama nila mamayang hapon,” pahayag pa ni Pelaez.
Sabado ng umaga, nagsagawa ng concert ang ilang miyembro ng INC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.