PATULOY ang pagdagsa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Edsa Shrine Biyernes ng gabi. Ito ay matapos na lisanin ng grupo ang harapan ng compound ng Department of Justice.
Ang iba sa kanila ay naringgang sinasabi na “lulusubin natin ang Malacanang,” habang ang iba naman ay humihiyaw ng “Secretary de Lima pakialamera.”
Sa mga napaunang ulat, ilang mga miyembro rin ang humarang na sa northbound lane ng Edsa malapit sa Edsa Shrine sa ilalim ng flyover.
Kahapon nagsimulang magtipon ang mga miyembro ng INC sa harap ng tanggapan ng DOJ para iprotesta ang diumano’y pakikialam ng DOJ sa problema ng kanilang simbahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.