Magandang araw po. Ang tatay ko po ay miyembro ng SSS at nakapaghulog ng 26 months lamang dahil hindi regular ang kanyang trabaho. Siya ay 59 years old na. Pwede na po ba cya magpension? Kung hindi pa po, ano po ang dapat na-ming gawin para makapagpension siya? Eto po SSS number niya ..2776.
Anthony Laray
B-66 Kapitbahayan, Bangus St.
Navotas M.M.
REPLY: Magandang araw din. Para sa iyong katanungan patungkol sa
iyong ama, pinapayuhan na ipagpatuloy ang paghuhulog ng monthly contributions sa SSS.
Kinakailangan ang 120 contributions para makumpleto ang minimum na contributions para makapag-pension.
Kahit na sa isang taon ay 60 yrs old na ang iyong ama ay maaari pa rin na ipagpatuloy ang paghuhulog sa SSS.
Mangangailangan na lamang ng limang taon para makumpleto ang 120 contributions.
Mas mainam na rin na ituloy ang pagbabayad para may aasahan na benepisyo ang maaaring maiwang misis at mga anak na may edad 21 pababa kapag nakumpleto ang contributions.
Ma. Luisa P. Sebastian
Department Manager III
Media Affairs Department
Social Security System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97
@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.