Nakulam nga ba? | Bandera

Nakulam nga ba?

Joseph Greenfield - August 29, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay David ng Savana, Bucana, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Naniniwala po ba kayo sa kulam? Kasi po yong misis ko mula ng magkasakit sa tiyan ay pabalik-balik na po yon at hindi gumagaling gayong marami na kaming doctor na napuntahan at ng pinatingnan ko sa isang albularyo ang sabi ay baka daw nakulam ang misis ko. Kaya kailangan daw palayasin ang mangkukulam na iyon na nananakit sa misis ko. Hindi naman ako naniniwala sa sinasabi ng albularyo kaya madalas kaming mag-away ng misis ko kasi siya paniwalang-paniwala sa albularyo. Ano po ba ang dapat kong ga- win sundin ko na lang ang sinasabi ng albularyo para matahimik na lang misis ko o muli ko siyang patingnan sa doctor? Sa palagay nyo totoo kayang nakulam ang misis ko at paano kaya siya gagaling ng husto? At saka baka may alam kayong orasyon sa kulam na maipagkakaloob sa amin. April 28, 1979 ang birthday ng misis ko.
Umaasa,
David ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa ipinadala mong photocopy ng palad ng misis mo, maganda at malinaw naman ang kanyang Life Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin anoman ang sakit ng misis mo sa ngayon bale wala iyan, darating ang panahong kusa ding gagaling kahit hindi mo ipagamot, maaari kasing “kabag lang, UTI o kaya’y acidic” ang dahiulan ng kanyang karamdaman.
Cartomancy:
“Huwag mo ng patingnan kung kani-kaninong albularyo ang iyong misis dahil maaaring iyan pa ang kanyang ikapahamak”. Ito ang nais sabihin ng Two of Spades. Sa halip, mas mainam na sa isang espesyalistang doctor mo siya dalhin, na siya namang nais sabihin ng Six of Heart at Jack of Clubs, at siguradong sa pamamagitan ng ng espesyalistang doctor siya gagaling.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending